Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' lives large in Palawan on the third part of its second anniversary special
Biyahe ni Drew: Living Large in Palawan
Biyernes, March 20, 2015
8 pm sa GMA News TV
Sa pagpapatuloy ng Biyahe ni Drew Anniversary celebration, engrandeng biyahe ang haharapin ni Drew sa mala-paraisong Palawan!
“Live large!” Iyan ang mantra ni Drew, kaya naman kahit sa loob lamang ng ilang araw ay magbu-buhay big time ang ating biyahero. Sakay ng isang private sea plane, lilipad siya papuntang Busuanga, ang jump off point ng kaniyang luxury trip.
At dahil sosyal ang sasakyan, sosyal din ang pagsalubong sa kaniya sa Sunlight Island. For a little over twenty thousand pesos per night for a luxurious villa, garantisado ang relaxation at enjoyment ng mga bisita. Meron ding mga water activity tulad ng Hydro Bub na susubukan ni Drew for the first time.
Kung gusto mo pang i-level up ang bakasyon mo, why not get a private yacht? Ito nga ang gagawin ni Drew habang magmamasid ng paglubog ng araw sa Ariara Island. For 200,000 pesos a night, iyong-iyo ang yate and all its luxurious ameneties including private bedrooms and a steam bath!
Sa mismong Ariara naman, masosolo niya at ng BND crew ang buong isla dahil hanggang 18 lang ang maximum number of guests!
Bukod sa world-class amenities ng villa, marami ring water activities na puwedeng gawin tulad ng wakeboarding at pagsakay sa donut ride, jetski, at hobbie cat. Pero wala pa rin daw tatalo sa simpleng paglangoy sa napakalinaw na karagatan kung saan makikita ang napakayamang marine life ng Palawan!
Bilang pagtatapos ng kaniyang grand vacation, isang dinner buffet by the bonfire ang haharapin niya. Lobster, maya-maya, pusit, alimango, and the crispiest, juciest lechon ever!
Live large and enjoy life to the fullest kasama si Drew Arellano sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular