Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' visits Bukidnon on the second part of its second anniversary special
MINI BB 124X58IN.JPG 232-GFX.jpg
Biyahe ni Drew: 2ND ANNIVERSARY SPECIALS
Biyernes, March 13: Bukidnon
8 pm on GMA News TV
Biyernes sa Biyahe ni Drew, bibisitahin ni Drew Arellano ang tinaguriang Cowboy Country sa katimugang bahagi ng Pilipinas, ang Impasugong sa Bukidnon!
Bilang selebrasyon sa isa na namang taon ng pagbibiyahe ni Drew, kakaibang adventure ang mararanasan niya sa land of the finest cowboys in the Philippines.
Marami kasing rancho sa Impasugong kaya naman ang mga cowboys dito, nagkalat!
Siyempre sasabak agad si Drew sa rodeo na sumusukat sa galing ng mga cowboy sa cattle herding. Iba’t iba ang mga laro sa rodeo, una na riyan ang carambola. Dito, hindi magpapahuli ang ating bida sa pagpapatumba ng baka. Kayanin niya kaya ang extra challenge na ito? Susubukan din niya ang team roping na nagmula naman sa paraan ng paghuli ng mga cowboy sa mga maysakit na baka na kailangan nilang gamutin. Last but not the least, sasalihan ni Drew ang larong rope and tie kung saan pabilisan ang mga cowboy sa pagpapabagsak ng isang baka gamit lamang ang laso.
Samantala, kilala rin ang Bukidnon sa pagkakaroon ng ekta-aktaryang taniman ng mais. Kaya naman dito nagmula ang sikat na local delicacy na kung tawagin ay binaki. For only 10 pesos, tanggal ang gutom ng mga biyaherong naghahanap ng meryenda. Pero dahil nasa cowboy country siya, lalantakan din ni Drew ang sikat na angus beef burger ng Kafenio. For 165 pesos, halos mabubundat siya sa 100% pure beef goodness nito. At dahil mahilig din siya sa sabaw, hindi niya palalampasin ang Rodeo Drive Grill kung saan siya makakatikim ng lugaw at lomi!
Before heading back to Manila, rekomendado ni Drew na dumaan sa Monastery of Transfiguration sa Malaybalay. Dito matitikman ang sikat na kapeng Monk’s Blend na gawa mismo ng mga monghe. Puwede ring bisitahin ang Transfiguration Chapel, ang mala-pyramid na obra ni National Artist for Architecture Leandro Locsin.
Sama na sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular