Filtered By: Newstv
NewsTV

Postcards from Japan on 'Biyahe ni Drew'




Biyahe ni Drew: POSTCARDS FROM JAPAN
Biyernes, January 23, 2015
8 pm on GMA News TV

 
Sa Biyernes, babalikan ni Drew ang tinaguriang Land of the Rising Sun sa Biyahe ni Drew!

 

Unang bibisitahin ni Drew ang Kyoto Station na sinasabing pinakamalaking gusali sa Japan dahil sa lawak nitong humigit kumulang 24 hectares at taas na 70 meters o katumbas ng isang 15-storey building! Maraming kainan sa paligid pero sa Ramen shop didiretso si Drew.  Mabilis na sistema at maayos na serbisyo ang nararanasan ng mga parokyano, na masasabing totoo rin para sa halos lahat ng bahagi ng Japan.
 


Sa Arashiyama District ang next stop niya. Mula pa raw noong 8th century, ang distritong ito ay kilala na sa mga mayayamang angkan na sadyang bumibisita rito tuwing namumukadkad ang cherry blossoms.  Dito rin makikita ang sikat na Bamboo Grove na paboritong puntahan ng mga turista.  
 




Samantala sa Tsuruya Yoshinobu sa  Kyoto, may isang tindahan kung saan pwedeng panoorin ang paggawa ng mga sweet delicacies.  Sa Kyoto rin matatagpuan ang Nishiki street market kung saan nagbebenta ng mga preserves at fresh produce.
 


Sa Shiga Prefecture naman, bibisitahin ni  Drew ang Shigaraki Pottery Vilage na kinikilalang isa sa pinakamatatandang pottery villages sa Japan. Bukod sa puwede kang bumili na mga magagandang produkto nila, puwede ka ring gumawa ng sarili mong figurine!
 


At siyempre, hindi naman pwedeng palampasin ni Drew ang masarap na Japanese cuisine, ‘di ba? Kaya sa isang Kawadoko o outdoor restaurant ang bagsak niya para tikman ang kakaibang Japanese pizza.  Sa Yabaton naman, pinagtiyagaan niyang pumila dahil sikat daw ang katsu o breaded pork cutlet ng restaurant.
 


Pati ang mga bento box sa 24-hour convenience store, hindi palalampasin ng ating biyahero!
 
Samahan na sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8 PM sa GMA News TV.
 
Select photos courtesy of Alan Ebora and Bea Rodriguez
Tags: plug