Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Digos




Biyahe ni Drew: Davao del Sur
Biyernes, January 9, 2015
8pm sa GMA News TV
 
Sa Biyernes, silipin natin ang hindi madalas mapuntahang bahagi ng Davao del Sur at mamangha sa pasyalang exciting at extreme as Biyahe ni Drew goes to Digos!


 
Dahil ang Mt. Apo ang pinakasikat na atraksiyon ng Davao del Sur, siyempre iyan ang first stop sa  itinerary ni Biyahero Drew.  Sa Mt. Apo Resort, uumpisahan ni Drew ang araw with Biyahero Run.  Pagkatapos, isang nakabubusog na almusal ang lalantakan niya na may kasamang mamahaling Civet coffee. Galing pa ito sa mga civet cats na inaalagaan mismo sa resort. Sa halagang 1,000 pesos per 100 grams, ito na raw ang isa sa pinakamahal na kape sa buong mundo.

 
Sa Crocodile Park,  there’s always something new to discover.  First off, ang sungka set meal na karne o seafoods ang nakahanda. Nariyan din ang crocodile sisig na specialty ng lugar. Pero ang kakaiba raw, ang “palo sebo” na patok sa mga vegetarian.

 
Bibisitahin din ni Drew ang Passig Islet,  isang sand bar kung saan pwedeng lumangoy, mangisda at magmuni-muni ang mga bisita.  Sa Darong, Sta. Cruz, pupuntahan niya ang Sibulan River kung saan water tubing ang main attraction.  Sa Lake Mirror, boating at fishing naman ang main activities. Pero kapansin-pansin din ang reflection ng Mt. Apo sa malasalamin na ibabaw ng lawa.  Huli sa adventure-filled itinerary ni Drew ang Camp Sabros, isang adventure park na nasa 3,980 feet above sea level. Dito, tatlong nakalululang  zipline ang susubukan ng ating bida.

 
To add a little cultural flavor to the trip, dadalawin ni Drew ang mga Bagobo. Kasama ng tribo, pagsasaluhan nila ang isang simpleng tanghalian na niluto pa sa kawayan! Siyempre hindi siya makakaalis nang hindi umiindak sa katutubong musika ng mga Bagobo. Muli din niyang bibisitahin ang Kublai Garden na pag-aari ng sikat na Davaeño artist na si Kublai.

 
Start the year right with Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug