Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' swings by Surigao del Norte




Biyahe ni Drew: Surigao del Norte
Biyernes, December 12, 2014
8 PM sa GMA News TV
 
Ngayong Biyernes, isang masarap, exciting at sulit na bakasyon ang ihahatid ni Biyahero Drew Arellano sa kaniyang paglipad sa Surigao del Norte!
Kilalang Gateway to Mindanao ang Surigao del Norte. Pero bagama’t maunlad na at moderno, hindi pa rin  nawawala ang mga lumad ng mga baranggay dito. Pag dating ni Drew, agad niyang bibisitahin ang Mat-i Tagbasingan kung saan naninirahan ang mga Mamanwa na sinasabing sinaunang katutubo ng Surigao. Siyempre, sasalubungin nila ng katutubong sayaw si Drew na kung tawagin ay Bonok-Bonok.
Sa paghahanap ng good eats, mapapadpad si Drew sa palengke, mga karinderya, at mga kilalang eatery sa probinsiya. Pero ang tatatak sa kaniya ay ang naglalakihang alimango at hipon ng Ocean Bounty.  Makakatikim din siya ng hukyo tajom o sea urchin na iginisa sa butter, kaunting seasoning, pineapple slice at hinaluan ng scrambled eggs ang bida! Nariyan din ang hukyo pinanglitan o local eel na may peanut butter at gata. 
To top everything off, isang kakaibang pampagising ng dugo ang lalagukin niya sa bayan ng Gigaquit. Ang Gigaquit Rhum ay gawa sa bunga ng nipa na siyang ipinagmamalaking inumin ng bayan.
For a bit of nature-tripping, mapapadpad si Drew sa Mapaso Hot Spring kung saan puwedeng magbabad sa halagang 25 pesos lang. Sa Mainit Lake naman, mamamangha siya sa ika-apat na pinakamalaking lawa sa buong bansa sa laki nitong 17, 340 hectares! That’s nature’s spa at its best!
 
Sama na sa  Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.