Filtered By: Newstv
NewsTV

Tuklasin ang kakaibang mukha ng Puerto Galera sa 'Biyahe Ni Drew'


Biyahe ni Drew: Puerto Galera
Biyernes, November 28, 2014
8 pm sa GMA News TV


 
Biyernes sa Biyahe ni Drew, isang umaatikabong biyahe ang naghihintay kay Biyahero Drew Arellano sa isa sa mga paboritong isla ng mga bakasyonistang taga-Luzon: ang Puerto Galera.
 
Kilalang ‘party island’ ang Puerto Galera dahil na rin sa paborito itong destinasyon ng mga turista lalo na tuwing Semana Santa. Pero sa biyaheng ito, kakaibang mukha ng Puerto Galera ang makikita.



 
Bago pa man makarating sa kaniyang hotel, dadaanan muna ni Drew ang Tamaraw Falls sa Brgy. Villaflor sa Sabang. Sa halagang bente pesos, pwede ka nang mag-relaks sa malamig na tubig nito. Sa X-treme Sports Philippines Adventure Park naman, go karts, ATVs, at paintball ang naghihintay na adventure sa bisita. Kung mas nature-inspired ang trip mo, Carabao Taxi o Kangga ride ng Tukuran Hidden Paradise Travel ang mas bagay sa iyo. 



 
When it comes to good eats, hindi patatalo ang Puerto Galera. Matapos ang pampagising na Biyahero Run, lalantakan ni Drew ang isang almusal na nakahain sa harap mismo ng dagat sa Mountain Beach Resort. Sa Luca Cucina Italiana Restaurant and Pizzeria, pizza at pasta ang specialty of the house. At sa Hemingway’s Bistro, ang mouth-watering Beef Tenderloin steak at nakakagutom na Bavarian Eisbein ang magiging apple of his eye.


And saving the best for last, hindi palalampasin ni Drew ang kaniyang Puerto Galera trip na hindi sumisisid sa dagat. Sa Sabang Beach, bukod sa iba’t ibang sea creatures, sisisirin din ni Drew ang pamosong shipwreck na binabalik-balikan ng mga diving enthusiast.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Puerto Galera, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.