Filtered By: Newstv
NewsTV

Rock Tarlac with 'Biyahe ni Drew'


Biyahe ni Drew: Tarlac
Biyernes, October 17
8pm sa GMA News TV


Sa Biyernes sa Biyahe ni Drew, maraming sorpresa ang bubulaga kay Drew Arellano sa kaniyang biyahe sa Tarlac!

Kilala ang Tarlac bilang daanan papunta sa mas sikat na holiday destinations tulad ng Baguio at Pangasinan.  Pero ang hindi alam ng karamihan, maraming puwedeng puntahan at gawin sa probinsiyang ito.  Isa kasi itong melting pot na may pinagsama-samang katangian ng mga katabing probinsiya.


Unang sasadyain ni Drew ang pagkain, siyempre. Sa Nay’s House, Kapampangan ang inihahandang putahe na tampok ang Bulanglang. Sa Camiling, dadayuhin niya ang  nakakatakam na Camiling Chicharon na deadly sa sarap. At sa Fiesta Island Seafood Hub, titikman niya ang kakaibang pansit na gawa sa buko.


Pag dating sa adventure, hindi patatalo ang Tarlac. Sa Mayantoc Range, matatagpuan ang Anzap Falls na isa sa tatlong dinadayong twin waterfalls sa Pilipinas.  Sakay ng dirt bikes, babagtasin ni Drew at ng Biyahe Team ang hindi masyadong nadadaanang trail sa gilid ng Baranggay Bigbiga. Sulit naman ang dalawang oras na biyahe dahil makapigil-hininga ang ganda ng dalawang-daang talampakang kambal na talon.  


Dadayuhin din ni Drew ang Baranggay Maamot kung saan matatagpuan ang Nambalan River. Dito, susubukan niya ang  drenalin-pumping white water river kayaking adventure!


Para naman maglabas ng sama ng loob, pupuntahan ni Drew ang Tacsyapo.  Sa kaunting halaga, priceless ang maglabas ng galit sa pamamagitan ng pagbabato ng plato sa pader. Sasampolan din ni Drew ang mga putahe sa Tacsyapo, kasama na ang ginataang hipon na niluto sa kawayan.

Sama na sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8PM sa GMA News TV.