Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes food-tripping in Aklan



Biyahe ni Drew: AKLAN

Biyernes, August 8, 2014
8 pm sa GMA News TV
 
Biyernes sa Biyahe ni Drew, ang Home of the Original Ati-Atihan ang destinasyon ni Drew Arellano sa Panay Island… ang Aklan!
 
Nasa Westernmost part ng Visayas ang Panay Island at isa ang Aklan sa mga probinsiyang bumubuo nito. Bukod sa Ati-Atihan, talagang dinadayo ang Aklan dahil sa pinakasikat nitong beach destination, ang Boracay Island!  Pero iisnabin muna ni Drew ang white sand beach na ito dahil isang nakagugutom na food-venture ang pakay niya sa probinsiya.

First on his list, Lorraines’s Tapsi and Catering Services. Dito, titikman ni Drew ang iba’t ibang specialty dishes tulad ng Shanglan o pancit canton na hinaluan ng monggolian sauce, beef caponata, at ang Aklanon favorite na chicken inubaran.  Para sa panghimagas, nanamnamin ni Drew ang suman latik ni Analayn Valencia na sinasabing isa sa pinakamasarap sa Kalibo.
Pero ang pinaka-challenging para sa ating biyahero ay ang pagkain ng Tamilok, isang uri ng uod na nakatira sa mga patay na sanga ng mga mangrove tree. Ginataan, inihaw o kinilaw, magustuhan kaya ni Drew ang lasa nito?  And to top off his food-venture, lalantakan ni Drew ang ipinagmamalaking native longganisa ng Kalibo, pati na ang Aklanon version ng inihaw na manok at liempo ng Ramboy’s Manukan.

Pero para matunawan sa dami ng kinain,  magpapapawis naman si Drew sa ilang outdoor activities. Papasukin niya ang Pangihan Cave sa Malay. Lalakarin niya ang kahabaan ng bamboo boardwalk sa loobg ng Bakhawan Mangrove Ecopark. At magiging one with nature siya sa Jawili Falls at sa Laserna Cold Springs.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Aklan, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.