Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew': Mati-nding adventure sa Davao Oriental



Biyahe ni Drew: Mati City
Biyernes, July 25, 2014
8 pm sa GMA News TV

Kung nasisikipan ka na sa Boracay, Puerto Galero o Bohol, may  bagong rekomendasyon si Drew Arellano para sa iyong next amazing adventure sa Biyernes sa Biyahe ni Drew. Ang kaniyang destinasyon, Mati City sa Davao Oriental!

Mula Davao City,  tatlo hanggang apat na oras ang biyahe papuntang Mati. Unlikely choice daw para sa mga turista ang siyudad dahil medyo malayo mula sa sentro ng Davao Oriental.  Pero ang hindi alam ng marami, sa Mati nagmumula ang mga pinakamatatamis na suha sa Pilipinas.  Mula sentro, magbibisikleta si Drew papuntang Menzi Farm, ang 50-hectare pomelo farm na ipinagmamalaki ng Mati.

Ito rin ang pinakamalaking supplier ng suha sa Davao region at maging sa buong Pilipinas. Kung gusto mong bumili ng pampasalubong na suha, mas mura nang ‘di hamak dito, lalo naang mga “reject” na 30 pesos kada kilo lang!

At dahil isang coastal city, hindi palalampasin ni Drew ang pagbisita sa mga beach resort ng Mati.  Isa na rito ang sikat na Dahican Beach kung saan makikilala ni Drew ang Amihan Boys, isang grupo ng mga kabataang skim boarders na nagsisilbi ring boys club ng lugar.  Rekomendado rin ni Drew ang Pangyan Falls at Mainit Hot Springs na magkatabi lang kaya madaling puntahan.

But what’s a Biyahe without the good eats?  Kaya naman lalantakan ni Drew ang mga specialty ng Mati tulad ng klasik na kinilaw,  inihaw na buntot ng tuna, at sinuro. Nariyan din ang binabalik-balikang  empanada ng Roll and Roast Resto.  Pero ang pinakasikat na delicacy ng lugar, ang lukot o itlog ng donsol. Haluan lang ng suka, luya at sibuyas, masarap na ensalada na!
 
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Mati, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.