ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
A Seoul-ful journey with 'Biyahe ni Drew' this Friday

Biyahe ni Drew: Korea (Replay)
Biyernes, Dec 26, 2014
8 PM sa GMA News TV
Talagang hindi na magpapapigil si Drew Arellano sa kaniyang South East Asian Adventure. Sa Biyernes, lilipad ang Biyahe ni Drew team sa Land of K-Pop and Kimchi… ang Korea!


First stop ng ating biyahero, ang mega city na Seoul. Siyempre, kain agad! Una sa menu ang Korean version ng inihaw na liempo na halos walang timpla at binabalot na parang lumpia kasama ang kimchi at iba pang sangkap. At dahil paborito niya talaga ang Korean food, hindi palalampasin ni Drew ang isang culinary tour sa Institute of Traditional Korean Food. For 3,000 won o 150 pesos, titikman niya at pag-aaralang lutuin ang ilan sa mga tradisyunal na Korean dishes, kasama na ang pamosong kimchi!
Papasyalan din ni Drew ang Gwanghwamun Plaza kung saan matatagpuan ang man-made Cheonggyecheon Stream na sumisimbilo sa Korea noong panahon ni King Joseon. Makikita rito ang Blue House, ang katumbas ng Malacañang Palace sa Pilipinas. Pero kung gusto mo raw matutunan ang kasaysayan ng Korea, pumunta ka lang sa katabi nitong Cheongwadae Saranchae na isang interactive musuem. Libre ang tour at may makakasama ka pang tour guide!


Samantala, aakyatin ni Drew ang pinakamataas na lugar sa Seoul, ang N Seoul Tower. Dahil nasa tuktok ng bundok, kitang-kita ang buong siyudad mula rito. Sisilipin din niya ang Dongdaemun Design Plaza o DDP, and modernong gusali na ginawang set ng Koreanovela na “My Love from the Star”! Dito, puwedeng-puwedeng matupad ang pangarap mong maging bida sa sarili mong Koreanovela for only 15,000 won o 400-600 pesos. To cap his Korean visit, mamamalengke si Drew sa Gwangjang Traditional Market. Kakaiba ang magiging karanasan niya rito, lalo na sa pagkain ng pancakes at toge at pakikipagtawaran sa mga tindera.
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Seoul, Korea, sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular