Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' airs viewers' choice special this Friday
Biyahe ni Drew: Viewers’ Choice Episode
Biyernes, July 4, 2014
8pm sa GMA News TV
Dahil sa patuloy at mainit na suporta ng mga manunuod ng Biyahe ni Drew, babalikan ni Biyahero Drew Arellano ang mga episode na may pinakamaraming likes, shares at comments online!
Sa higit na isang taon sa ere ng BND, meron na itong 124,000 fans sa Facebook. Bukod diyan, meron pa itong 19,000 followers sa Twitter. At dahil alam na alam ng Biyahe Team kung ano ang mga patok na patok sa mga manunuod, muling sisilipin ni Drew ang pinaka-nakaka-high, nakakagutom, at nakakakiliting episodes ng BND.
Ang Surigao del Sur ang isa sa most viewed iteneraries at most favorite destinations ng mga manunuod sa Facebook at Twitter. Siyempre nariyan kasi ang Enchanted River na nakakabighani ang linaw ng tubig. Sa Badian, Cebu naman, canyoneering sa Matutinao River ang adventure of choice ni Drew. Pero sa Samal Island masusubok ang tibay ng sikmura niya habang literal na nakabitin ng alanganin sa ibabaw ng isang sink hole.
Samantala, inabot ng higit 4,000 likes sa Facebook ang larawang suot ni Drew at ng BND Team ang tradisyunal na kasuotan ng mga taga-Kalinga. Pero babalikan din niya ang di-makalilimutang tattooing session sa sinasabing huling mambabatek ng Kalinga na si Apo Whang-Od.
Sa Batanes, highlight ng biyahe ang encounters with the locals ng ating beteranong biyahero. Siyempre hindi mawawala ang pagsubok niyang gumamit ng Vakul, ang reliable headgear na ginagamit ng mga Ivatan umulan man o umaraw.
Pero kapag kainan ang pinag-usapan, talaga namang most viewed ang itinerary ng BND sa Tagaytay. Kasi narito na yata ang halos lahat ng masasarap; ilan na riyan ang klasik na bulalo at ang kakaibang coconut cream pie. Sa Vigan, hindi mawawala ang Ilocos classic na empanada, at sa Baler, ang eat-all-you-can spread for only 185 pesos. Babalikan din ni Drew ang Hong Kong kung saan siya nabundat sa steamed buns ng Cheng Chau Island!
Sama na sa "Biyahe ni Drew" sa Biyernes, 8 PM sa GMA News TV!
More Videos
Most Popular