Filtered By: Newstv
NewsTV

Murang pagkain at mayamang kultura ng Dipolog, tampok sa 'Biyahe ni Drew'



Biyahe ni Drew: Dipolog City
Biyernes, June 13, 2014
8 pm sa GMA News TV
 
Biyernes sa Biyahe ni Drew, bibisitahin ni Drew Arellano ang kinikilalang Kapitolyo ng Zamboanga del Norte, ang Dipolog City.

First stop:  Cogon Eco-Tourism Park.  Dito, sasalubungin si Drew ng isang Subanen courtship dance.  Ang mga Subanen ang sinasabing early settlers ng Dipolog.   Pero maliban sa cultural presentation, may iba’t ibang puwedeng gawin sa Cogon Eco-Tourism Park tulad ng biking at hiking.  Meron pang mini-zoo para sa mga chikiting.

Para naman sa mga oldies but young-at-heart, nariyan ang off road 4 X 4 driving. Maganda kasi ang lupain ng Dipolog para sa mga ganitong kompetisyon kaya naman dalawa sa labing-anim na 4 X 4 competitions sa buong Pilipinas ang ginaganap dito taun-taon.

For more sightseeing by foot, aakyatin ni Drew ang 3,000 steps ng Linabo Peak na isa sa mga tourist attractions ng siyudad,  lalo na tuwing Mahal na Araw. Sa Casa Bernedo naman, sisilipin niya ang vintage collection ng isa sa mga pinaka-importanteng pamilya sa Dipolog. Papasyalan din ni Drew ang sikat na sikat na Boulevard na paboritong tambayan ng mga tagarito.

Mawawala ba ang SuTuKil sa biyaheng Dipolog?  Siyempre hindi.  Kaya lalantakan ni Drew ang iba’t ibang putaheng sinugba, tinola,  at kinilaw na tampok sa Visayan version ng turo-turo. Nariyan din ang ipinagmamalaki nilang bottled sardines na paboritong pampasalubong ng mga turista.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Dipolog, sa Biyernes, 8 PM sa GMA News TV.