Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' heads to Kalinga, meets Apo Whang-Od



Biyahe ni Drew:  Kalinga
Biyernes, May 9, 2014
8 pm, GMA News TV

Sa Kalinga ang punta ni Drew Arellano ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew!
 
Isang landlocked province ang Kalinga na pinaliligiran ng Isabela, Mountain Province, Abra at Apayao. Noong 1995, pinaghiwalay ang probinsiya ng Kalinga-Apayao upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga katutubo.

Sa pagdating pa lang ni Biyahero Drew, sabak agad sa food trip. Masasampolan niya ang native dishes ng Kalinga tulad ng chilok-chilok, inihaw na baboy ramo, binungor, pinikpikan,  at inanchila o rice cake. Meron ding cultural encounter with the locals sa pagtatanghal nila ng tradisyunal na sayaw ng mga taga-Kalinga!

For accommodations, medyo limitado ang mga hotels sa probinsiya. Kaya ang pinakamainam ay ang homestay na 250 pesos per night lang ang singil kada tao.  Bare necessities lang ang dapat asahan sa homestay pero tiyak namang makulay ang magiging karanasan ng bisita dahil mala-immersion ang dating nito.

Kapag narinig naman ang mga katagang “Mangapi ta ko!” huwag matakot, Biyaheros!  Isa lang itong paanyaya ng mga taga-Kalinga para magkape at makipag-bonding sa iyo. Labor of love ang paggawa ng kape sa Kalinga kaya naman ang kape nila ay isa sa pinakamasarap sa Pilipinas.
Siyempre, hindi rin mauubusan ng adventure sa probinsiya. Sa Chico River, pwedeng mag-white water rafting lalo na sa mga buwan ng Hunyo hanggang Enero. Sa Guilom Canyon Falls naman, pwedeng mag-rappeling at nature-tripping.  Ang masaya pa, libre lang ito!

At para makumpleto ang Biyahe ni Drew, bibisatahin niya ang sinasabing huling mambabatok ng Kalinga—si Apo Whang Od.  Local celebrity na ang 94-year old tattoo artist na ito kaya naman isang malaking karangalan ang makapagpa-tattoo sa kaniya!
 
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.