Filtered By: Newstv
NewsTV

Drew Arellano and 'Biyahe ni Drew' share never-before-seen footage this Friday



Biyahe ni Drew: Never Before Seen Footage!
Biyernes, April 4, 2014, 8pm sa GMA News TV


Scenes you’ve never seen before… ‘yan ang ipapakita ni Drew Arellano ngayong Biyernes sa special episode ng Biyahe ni Drew.

Sa Quezon, isang mahabang food trip ang ginawa ni Drew.  Nagpakabusog siya sa mga  putaheng may gata at iba’t ibang klase ng pansit. Pero this time, masisilip ninyo ang paggawa ng isa sa pinakapaboritong merienda ng mga taga-Quezon, ang minukmuk at nilupak.

Sa Baler naman, isang romantic getaway ang naging drama niya sa surfing capital ng rehiyon. Pero kaabang-abang din ang pakikipag-tagisan ni Drew ng galing sa rapping versus the best ‘wrapper’ in Baler.

From Baler, babalikan natin ang biyahe sa Laguna kung saan muli nating makikita  ang nature-tripping adventures ng ating biyahero at bibisitahin ang world-renowned Villa Escudero.  Not to be missed din ang extreme adventure ni Drew while shooting the rapids in Pagsanjan Falls. Pero first to be seen this time… ang kakaibang hand-crafted products ng Pila, Laguna na gawa sa water lily.

Mula Pilipinas, magbabalika-tanaw si Biyahero Drew sa Phuket, Thailand kung saan siya sumabak sa iba’t ibang adventure. Nakibahagi rin siya sa kultura ng mga Thai at nakipag-bonding sa mga  kakaiba nilang alaga. Pero ang hindi nakita ng marami ay ang  cooking lessons ng ating biyahero tampok ang malinamnam na green curry chicken. Tinikman din niya ang nakakatakam na Thai street food habang pilit na nakikipag-usap sa tindera. Talaga namang lost in translation ang dating!

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.