Filtered By: Newstv
NewsTV

Quezon food-venture at bagong timeslot sa 'Biyahe ni Drew'



Biyahe ni Drew: Quezon Province Food Trip!

Biyernes, 21 February 2014
8pm (new timeslot), GMA News TV
 
Sa Biyernes, matatakam kayo sa mga masasarap ng pagkain ng Quezon Province as Drew Arellano takes you on a food-venture you won’t forget sa Biyahe ni Drew!
 
Mula sa Maynila, inaabot nang tatlo hanggang apat na oras ang biyahe ng mga bus papuntang Quezon Province araw-araw. Para sa biyaheng ito, bibisitahin ni Drew ang apat sa pinakasikat na destinasyon sa probinsiya: Tayabas, Lucena, Lucban at Sariaya.

Sa Tayabas, agad titikman ni Drew ang klasik na almusal na Pinais. With ingredients like apda, camamba, gata and the fish of your choice, what could go wrong? Nariyan din ang sinugno, ang ginataang inihaw na tilapia.  Pero a trip to Tayabas daw won’t be complete without eating yema cake and budin o cassava cake. At bago kayo umalis, lumublob muna sa hot springs! Tiyakin ding masampolan ang lambanog na perfect pasalubong!

Samantala, pupuntahan din ni Drew ang Lucena City na 30-minutes away lang mula sa Tayabas.  Lalantakan niya agad ang chami, ang ipinagmamalaking pansit ng mga taga-Lucena. Pero para sa mga health-conscious, pwedeng mamili ng organic fruits and vegetables sa MJD Farms.

Sa Lucban, bibisitahin ni Biyahero Drew ang  isa sa dinadayo ng mga turista, ang Kamay ni Hesus Healing Center kung saan makikita ang estatwa ni Hesus na may limampung talampakan ang taas! At  bago umalis, uusisain muna ni Drew ang paggawa ng kiping, ang sikat na dekorasyong nilalagay ng mga taga-Lucban sa kanilang bahay tuwing fiesta ni San Isidro de Labrador. Hindi rin niya palalampasin ang pagkain ng Lucban longganisa na isa sa pinakamasarap sa bansa, at ng sikat na sikat na Pansit Lucban!
 
Sa kaniyang last stopover, dadaanan ni Drew ang bayan ng Sariaya para sampolan ang kanilang Tamales, isang Mexican dish with a Pinoy twist.  At bilang pampasalubong, pagpipilian niya ang iba’t ibang tinapay na ipinagmamalaki ng Sariaya, mula pinagong at broas, hanggang sa apas, abunete at pasencia.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa bago nitong timeslot sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.