Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew': Best of 2013
Biyahe ni Drew: Best of 2013
Biyernes, 27 December 2013
10 pm on GMA News TV
Sa loob ng halos isang taon, nalibot na yata ni Biyahero Drew Arellano ang halos buong Pilipinas at maging ilan sa mga karatig-bansa natin. Sa Biyernes, muli nating tanawin ang mga lugar na tumatak sa isipan ni Drew at mga biyahero fans at mga taong nakilala natin sa Biyahe ni Drew!
Kung adventure din lang ang pag-uusapan, siksik na siksik diyan ang taong 2013. Sa zipline pa lang, tila naka-quota na si Drew sa dami nang mga nasubukan niya sa Pagudpud, Bukidnon, Butuan, at South Cotabato.
Pero sa The Plunge sa Bohol muntik nang sumuko si Drew dahil sa tindi ng lula-factor. At sa Saranggani, nasubok naman ang tapang niya sa pagsakay sa Paraglider for the first time. Sa Coron, buong tapang siyang nag-cliff jumping. At sa Antique, canyoneering naman ang inatupag niya.
Bundat na bundat din ang 2013 ng ating biyahero! Di mabilang ang nilantakan niya—mula sa fresh seafoods ng Bislig, Sinanglaw ng Ilocos, Sisig ng Pampanga at Lomi ng Batangas; hanggang sa Lechon ng Cebu, Surol ng Camiguin at lahat na yata ng luto ng tilapia sa Lake Sebu!
Ang bawat lugar na nabisita ni Drew ay may sarili at kakaibang personalidad. Sa Vigan na isang Unesco World Heritage Site, damang-dama ni Drew ang kasaysayan; gayon din sa Bacolod kung saan alagang-alaga ang mga heritage houses . Sa La Union, naranasan niya ang laidback surfer’s lifestyle. Samantala, binalikan niya ang isla ng Coron matapos ang mapanirang hagupit ni Yolanda. Nagkaroon man ng maraming pinsala, nadama naman ni Drew ang matinding determinasyon ng mga taga-Coron na muling bumangon.
Sa dami nang napasyalan, nakain, nakilala at natutunan ng beteranong biyahero, talagang masasabi niyang it was a year to be remembered. Kaya samahan siyang gunitain ang 2013 sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Biyernes, 27 December 2013
10 pm on GMA News TV
Sa loob ng halos isang taon, nalibot na yata ni Biyahero Drew Arellano ang halos buong Pilipinas at maging ilan sa mga karatig-bansa natin. Sa Biyernes, muli nating tanawin ang mga lugar na tumatak sa isipan ni Drew at mga biyahero fans at mga taong nakilala natin sa Biyahe ni Drew!
Pero sa The Plunge sa Bohol muntik nang sumuko si Drew dahil sa tindi ng lula-factor. At sa Saranggani, nasubok naman ang tapang niya sa pagsakay sa Paraglider for the first time. Sa Coron, buong tapang siyang nag-cliff jumping. At sa Antique, canyoneering naman ang inatupag niya.
Sa dami nang napasyalan, nakain, nakilala at natutunan ng beteranong biyahero, talagang masasabi niyang it was a year to be remembered. Kaya samahan siyang gunitain ang 2013 sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular