Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to adventurous Dingle, Iloilo



Biyahe ni Drew: DINGLE, ILOILO

Biyernes, 18 October
10pm sa GMA News TV
  
Sa Biyernes, hahamunin ni Drew ang sarili na lumabas sa kaniyang comfort zone sa biyahe niya sa Dingle, Iloilo!
 
Isang oras lang ang flight mula Maynila hanggang Iloilo City. At mula rito, 45-minutes naman ang land travel mula Iloilo papuntang Munisipyo ng Dingle. Sa pagdating ni Drew sa maliit na bayang ito, sasabak agad siya sa kainan. Sasampolan ng beteranong biyahero ang mga putahe na pato ang main ingredient tulad ng Pato Curry, Sweet and Sour Pato at Estofadong Pato. Marami at mura kasi ang mga pato sa Dingle kaya pato dishes na ang naging specialty ng mga tagarito.

Pero bukod sa pato, nariyan din ang mga classic Pinoy dishes tulad ng pata tim, chicharong bulaklak at sari-saring seafoods! Matitikman din niya ang Dulce de Dingle o ang papaya candy na tradisyunal na panghimagas ng mga taga-Dingle.
 
As for his accommodations, susubukan ni Drew for the first time ang homestay. For 500 pesos a night, meron na siyang kumportableng tulugan, meron pa siyang magigiliw na host family.

For a bit of sports, sasali si Drew sa impromptu swimming competition laban sa world-class swimmers na tubong Dingle. Sa 25-meter training pool ng munisipyo na  72 degrees fahrenheit ang temperatura ng tubig, para ka na rin daw nagpraktis para sa Olympics. Sa Bulabog Putian National Park naman, pupuntahan ni Drew ang mga limestone caves at mountain springs.  Isa na sa mga kweba rito ang Guizo Cave kung saan nakatira ang libo-libong paniki!  Sisilipin din niya ang Tuko Cave kung saan mga Geko naman ang nakatira!

Samantala, isang adrenalin-pumping adventure ang susubukan ng ating biyahero sa Baranggay Moro-Boro. Dito kasi matatagpuan ang lumang suspension bridge na ginagamit na ‘diving board’ ng mga taga-Dingle sa kanilang taunang pagtalon sa Jalur River tuwing Semana Santa.

At siyempre, hindi palalampasin ni Drew ang biyaheng ito nang hindi umaakyat sa Nautod Wall na dinarayo ng mga rock climbers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kayanin kaya ni Drew ang extra challenge na ito?
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.