Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes on a Batangas road trip



Biyahe ni Drew: Batangas

Biyernes, September 20
10 pm sa GMA News TV
 
Sa Biyernes, balik-Luzon si Drew Arellano sa bayan ng mga matatapang. Ala eh, saan pa kundi sa Batangas?

Kasaysayan ang makapagpapatunay kung gaano katapang ang mga Batangueño. Ang probinisiyang ito ang isa sa mga unang naghimagsik noong panahon ng Kastila! Kaya naman isa ito sa walong sinag ng araw na sinisimbulo ng watawat ng Pilipinas. Dahil medyo malapit lang sa Maynila, hindi gaanong naiisip ng marami na puwede palang maging travel destination ang Batangas! Kaya naman sa biyaheng ito, pagkain, kultura at pagri-relaks ang aatupagin ni Drew.
 
Ang unang stopover niya ay ang Sto. Tomas na gateway ng mga biyahe papuntang Quezon Province, Bicol Region at Visayas dahil sa Batangas Port. Dito, hihigop siya ng mainit at malinamnam na sabaw ng bulalo na ipinagmamalaki ng bayan. Sa Lipa City naman, siyempre, nariyan ang award-winning Lomi ng Ala Fiesta Restaurant, at ang Goto na walang lugaw pero merong sabaw! Sisilipin din ni Drew ang palengke kung saan kaliwa’t kanan ang mabibiling nilupak, tamales, kakanin at sweet goodies. And the best way to end a heavy meal? A steaming cup of Kapeng Barako. Sa Café de Lipa, madidiskubre ni Drew ang iba’t ibang coffee concoctions na gawa sa ipinagmamalaking coffee variety na ito ng mga Batangueño .
 
Gaya ng maraming Pinoy, ang mga Batangueño  raw ay likas na mahilig kumanta at sumayaw. Sa bayan ng Bauan, makakasayaw ni Drew ang official cultural performing group ng Batangas Province, ang Sining Kumintang ng Batangas.

 
For a little cultural exploration, pupuntahan naman ng ating bida ang bayan ng Taal para tingnan ang sinasabing pinakamalaking Catholic Church hindi lang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong Asya! Ito ang Basilica de San Martin de Torres na may land area raw na aabot sa 4,400 square meters! Sa Taal din makikita ni Drew ang paggawa ng ipinagmamalaking produkto ng mga Batangueño, ang balisong.

Para kay Drew, hindi niya pagsasawaan kailanman ang Batangas.
 
“The beauty of Batangas is that sobrang dami (puwedeng) puntahan. Pwede maging destination every weekend. It’s geographically convenient. That’s why… ‘pag sinabi mong Batangas, fight ako.”
 
Kaya sama na sa Biyahe ni Drew sa Batangas, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug