Filtered By: Newstv
NewsTV

Kakaibang mukha ng Hong Kong, ipakikita ni biyaherong Drew Arellano


BIYAHE NI DREW: HONG KONG PART 2
BIYERNES, JULY 5, 10-11PM, GMA NEWS TV
 
Sa Biyernes, sama na sa part 2 ng Biyahe ni Drew sa Asia’s World City, Hong Kong!
 
Ang Hong Kong ay salitang Tsino na ang ibig sabihin ay “fragrant harbour”. Kasi noon pa man, kilala na ito bilang daungan ng mga bumibiyaheng  sasakyang-pandagat. Sa biyaheng ito, ipapakita ni Biyahero Drew ang kakaibang mukha ng Hong Kong na hindi palaging nakikita ng mga turista.
 
Bago lumarga, pipili muna si Drew ng hotel na pasok sa budget trip. At dahil off-peak season mula June hanggang August,  malaki ang discount sa mga hotel!  Ang single bed ay pumapatak lang na 400 Hong Kong dollars o 2,400 pesos.  Not bad for a bustling metropolis.  Para sa malaking grupo, pwede namang mag-room sharing para mapaghati-hatian din ang bayad.


Matapos maibaba ang mga gamit, hindi na magpapatumpik-tumpik ang ating bida. Bibisitahin niya ang Cheng Chau Island, ang sinasabing pinakamalapit na escape ng Hong Kong locals mula sa kanilang mabilis at modernong buhay sa siyudad. Maliit ang isla kaya kayang-kayang ikutin sa loob lang ng  halos dalawang oras. Pwede ring mag-arkila ng bisikleta kung medyo tinatamad kang maglakad.

Pero ang highlight ng pasyal ni Drew ay ang Bun Festival na ipinagdiriwang ng mga taga-isla taun-taon! Mahigit isandaang libong buns o siopao ang ginagawa rito kaya naman dinarayo ng maraming turista. At dahil nasa tabing-dagat lang, matitikman din ni Drew ang fresh bounties from the sea, turo-turo style!
                              
Para sa kaniyang Biyahero Run, tatakbuhin ni Drew ang  tuktok ng Kowloon Peak! At matapos ang kaniyang nakakahingal na ehersisyo, lilibutin niya ang Peak para mag-fuel up.  From traditional Chinese noodles and dimsum to fusion dishes, meron dito!
 
Sa pagtatapos ng kaniyang biyahe, sisilipin ni Drew ang night life sa Lan Kwai Fong.  And what better way to end his trip than to party with Pinoys sa Beer Bay kung saan sari-saring pulutan ang tinitinda ng mga kababayan natin! Para kay Drew, marami pang nakatagong kayamanan ang Hong Kong na dapat madiskubre ng mga biyahero.

“Para sa mga taong parating pumunta sa Hong Kong para mag-shopping o sa Disneyland, Mongkok for gadgets, meron kayong pwedeng puntahan din na off the beaten track.”
 
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.

Tags: plug