Filtered By: Newstv
NewsTV

The 'Biyahe ni Drew' Road Trip Series: Pampanga Food Trip


BIYAHE NI DREW: 48-HOUR EAT-ALL-YOU-CAN SA PAMPANGA (for less than P3,000)
Biyernes, June 14, 10-11pm sa GMA News TV

 


Ano ang gagawin mo kung meron kang 48 hours sa Pampanga?  Ano pa kundi mag-food trip! Sa Biyernes, samahan si Bihayero Drew Arellano sa kaniyang road trip sa kinikilalang Culinary Center of the Philippines!
 
Sa salitang ‘pampang’ daw nanggaling ang pangalan ng probinsiya. Mula sa pampang daw kasi nakita ng mga mananakop na Kastila ang mga lokal na residente nang mapadpad sila rito.  Sa paglipas ng panahon, itinayo rito ang Clark Air Base na naging sentro ng aircraft operations ng mga Amerikano. Dahil dito at dahil na rin sa likas na pagkahilig ng mga Kapampangan sa pagkain,  nagsulputan ang maraming kainan sa buong probinsiya.
 
 

Sa roadtrip ni Drew, una niyang stopover ang Copung Copung, isang family-owned restaurant na ang specialty dishes ay namana pa nila sa kanilang kanunu-nunuan. From traditional dishes tulad ng Kare-Kare, meron din silang exotic dishes tulad ng Kamaru or crickets at Betute o palaka! Pero ang dapat daw talagang matikman ng mga bisita sa Pampanga ay ang paborito ng lahat na sisig. Sa Angeles, Pampanga raw unang niluto ang putaheng ito.  At huhusgahan ng ating biyahero kung ano ang mas masarap: ang original sisig ni Aling Lucing o ang deep fried sisig ni Aling Mila.


Bukod sa mga tradisyunal na putahe ng mga Cabalen, meron ding Kapampangan version ang mga international dishes. Titikman ni Drew ang original pizza ng Didi’s na umaabot daw ng 200 boxes ang naibebenta sa isang araw! Samantala, sa C Italian, lalantakan ni Drew ang version nila ng pizza…ang panizza. Thin crust pizza ito na nilalagyan ng arugula at alfalfa at saka iniro-rolyo. Sa sobrang sarap daw, dinadayo ito ng mga sikat na celebrities tulad nina Robin Padilla at Jennylyn Mercado.
 

Siyempre, hindi dapat mawala sa kahit anong food trip ang panghimagas. Kaya naman titikman ni Drew ang minimalist Halo Halo ng Razon’s na minatamis na saba, macapuno, gatas, leche flan at yelo lang ang mga sahog.  Ang Halo Halo naman ng  Corazon’s, hindi na kailangan ng asukal dahil tama na raw ang mga minatamis na sahog para mapasarap ito nang husto! Pero para ma-satisfy pa ang sweet tooth ng ating biyahero,  susubukan din niya ang original home made candies ng Rosie’s na higit tatlong dekada nang nagpapatamis ng ngiti ng mga Kapampangan.  At bago pa matapos ang kaniyang culinary adventure, titikman niya ang Tibok Tibok o coconut milk pudding ng Susie’s.
 
Sama na sa culinary joy ride ni Biyahero Drew sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug