Filtered By: Newstv
NewsTV

This Friday on 'Biyahe ni Drew:' 48 hours in Marinduque


BIYAHE NI DREW: MARINDUQUE
MARCH 22, 2013, BIYERNES, 10PM on GMA NEWS TV

Sa Biyernes, samahan si Biyahero Drew sa kaniyang kakaibang Holy Week adventure sa Marinduque. Dalawa ang option mo kung pupunta kang Marinduque:  take a flight or take the RORO, depende sa kung ano ang swak sa budget mo.

Pag landing pa lang sa airport, sasalubungin agad si Drew ng isang kakaibang welcome ritual na tinatawag na ‘Putong’.  Parang mga hari at reyna daw ang turing sa mga bagong dating na bisita with matching flowers at scepters pa! Bagay na na-enjoy naman nang husto ni Drew.
 
“Minsan lang feeling mo maging hari. Kahit na… ten minutes of your life at mararamdaman mo iyan pagdating mo dito sa napakagandang Marinduque.”



Pero umpisa pa lang ito ng unforgettable 48 hours ni Drew sa Moriones Capital of the Philippines.  Sa Tres Reyes Island, snorkelling at sunbathing ang  agad na aatupagin niya.

Sa Isla del Carmen, kayaking sa mangroves naman ang main activity. At sa Poctoy Beach, mae-enjoy niya nang husto ang paglalakad sa halos isang kilometrong white sand beach! 

Samantala, may mga cultural at gastronomic spots din naman ang Marinduque.

Sa bayan ng Sta. Cruz, makikita ang isa sa pinakalumang simbahan sa probinsiya. Sa bayan ng Torrijos, ipinagmamalaki naman ang mga magagandang table runner at placemat na gawa ng mga local loomweaver. 

At sa bayan ng Boac,  hindi raw dapat palampasin ang mga masasarap na pagkain tulad ng misteryosong “Bibingkang Lalaki”.
 
Dahil ipinagmamalaki ng Marinduque ang Moriones, sisilipin ni Drew ang pagawaan ng mga maskara para sa Moriones. Mula sa pag-uukit, pagkikinis at pagpipintura, hindi mo raw aakalain na inaabot ng isang buwan ang buong proseso! Para kay Drew, kahanga-hanga ang dedikasyong ito ng mga Marinduqueno.
 
“These people from Marinduque, they are men and women of devotion. At ginagawa nila iyan through tinatawag nilang Moriones which is the play. Sila ang gumagastos niyan. 5000 pesos for the mask, more than the amount sa kanilang sinusuot, yung hirap at pagod na ginagawa nila… saludo ako sa mga sundalo sa Moriones.”
 
Kaya sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug, marinduque