Filtered By: Newstv
NewsTV

Tuklasin ang ganda ng Sagada sa 'Biyahe ni Drew'


BIYAHE NI DREW GOES TO SAGADA
FRIDAY, FEBRUARY 8, 10-11PM
Like us:  Facebook.com/biyahenidrew
Follow us:  Twitter.com/biyahenidrew

Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Biyahe ni Drew! Sa Biyernes, haharapin niya ang dose oras na biyahe para lang marating ang Mountain Province’s Pride:  ang SAGADA.  Tiyempo naman ang pagpunta niya kung kailan pinakamalamig  ang panahon doon na umaabot ng 12 degrees Celsius. Yakap-weather indeed!
   
Bitbit ang kaniyang bisekleta at jacket at meron lang 48 hours mula pagdating niya sa Sagada, hindi na magpapatumpik-tumpik pa ang veteran traveler.  Pag dating pa lang, bonfire with inuman ang agad sasalubong sa kaniya, with matching mainit na sabaw ng bagong lutong Pinikpikan, isang traditional dish sa Sagada.
 
Kinabukasan, lilibutin ni Drew ang maliit na 5th class municipality na halos nasa labing-limang libo lang ang residente. Pero dahil sanay na sa turista ang mga tagarito, hindi mauubusan ng matutuluyan ang mga bisita. Ang price range ng bawat kuwarto:  150-300 pesos a night lang! Sabi nga ni Drew,  “Makikita mo na may kahit may mga inn or major hotel na tirahan na engrande, believers sila na let’s maintain the town, wag natin i-commercialize… yung mga ganung pag-iisip nakakadagdag ng charm.”
    
Sa pamamasyal ni Drew, sisilipin niya ang ilan sa mga lugar na talaga namang ‘charming’ ika nga.  Tulad ng Public Market na maaga pa lang ay buhay na buhay na. At dahil bahagi ng tinaguriang Vegetable Basket of Luzon,  halos 70% cheaper ang presyo ng mga gulay dito kaysa sa Maynila!

Hindi rin palalampasin ni Drew ang pagkakataong mag-topload o sumakay sa ibabaw ng jeepney.  Sa halagang 45 pesos per 17.8 kilometers, ito raw ang pinakamurang paraan ng pagbibiyahe sa Sagada at mga  karatig-bayan.  Pero dahil medyo delikado, hindi ito para sa lahat.

Pero may iba pa namang paraan para maglibot tulad ng paglalakad at pagbibisikleta.  Kaya naman sakay ng kaniyang mountain bike, lilibutin ni Drew ang iba’t ibang trails at attractions dito, tulad ng tinaguriang Marlboro Country sa Northern part ng  Sagada; ang mga kilalang Burial Caves na huling hantungan ng mga Igorot at kung saan din makikita ang famoushanging coffins; at ang Echo Valley na isang natural wonder. 

Sa Sumaguing Cave naman, madidiskubre niya ang iba’t ibang rock formations at susubukang sumulong sa napakalamig na natural spring sa loob mismo ng kweba.
 
Sasampolan din niya ang masarap na Lemon Pie na patok na patok sa parehong locals at visitors.  Ayon pa kay Drew: “Nag-post nako sa twitter, ang dami ng nag comment! Pero sabi nila pinaka marami ang nagsabi na tikman ko raw ang lemon (pie).”
 
Ilan lamang ‘yan sa mga dapat abangan sa Biyahe ni Drew sa Sagada.

Kaya kung gusto n’yong magplano ng Sagada trip at makakuha ng tipid tips, tumutok na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug