Filtered By: Newstv
NewsTV
Usapang kalbo sa 'Best Men'
BEST MEN
USAPANG KALBO
DECEMBER 16, 2013
10:30 PM
May kalbong ang dating ay pang-bida, pero meron din namang pang-hoodlum o pang-kontrabida! Anu-ano nga ba ang pinagdaraanan ng mga Best Men nating kalbo at nakakalbo?
Isang star-studded na talakayan ang magaganap ngayong Lunes! Kung dati ang titulong "gwapong kalbo" sa showbiz ay hawak lamang ni Bembol Roco, aba, ngayon marami na rin ang nakiuso at tila nadala ang look na ito!
Unang bibida ang kapita-pitagang “Ang Pinaka” program host ng GMA News TV na si Rovilson Fernandez! Alamin natin kung paano niya pinanindigan at ginawang bentahe ang kanyang pagkakalbo! Ayon kay Rovilson, may lahi silang nakakalbo kaya ang ginawa niya ay inunahan na niya ito bago pa maging hindi kanais-nais ang itsura ng kanyang pagkapanot! At swerte namang bumagay at swak sa itsura niya ang look na ito!
Makakasama rin sa talakayang ito ang mga celebrities na sina Aljur Abrenica, Alden Richards, Albert “Betong” Sumaya, Kristoffer Martin, Derrick Monasteryo, Rocco Nacino, Jay-r, Mark Bautista, Mark Herras, Kobe Paras at Andre Paras! Ibabahagi nila ang kanilang kwento noong una nilang sinubukan ang magpa-kalbo o magpa-skin head. Bumagay naman kaya sa kanila?! Gamit ang isang photo editor, muli natin silang kakalbuhin!
At sa panahon ngayon hindi na lang lalaki ang jumajaporms ng kalbong hairdo! Silipin rin natin ang mga sumikat na mga female celebrities na naglakas loob at pinanindigan ang pagiging kalbo! At dagdag pa riyan, pumayag ang mga female celebrities na sila Barbie Forteza, Yassi Pressman, LJ Reyes, Aira Bermudez, Julie San Jose, Louise Delos Reyes, at Rachelle Ann Go na magpakalbo para sa Best Men! Ooops! Sa pamamagitan lamang ng pag edit sa kanilang mga larawan! Matuwa naman kaya tayo o masikmura naman kaya nila ang kalbo look nila?
Sa mga napapanot, shuma-shaggy, o nagiging mala-"obispo" ang mga bumbunan , tila parusa ang kondisyon ng pagnipis at pagkawala ng kanilang buhok. Pero para sa ilan, mas matipid ito sa shampoo at gel! Wash and wear ika nga! Kung ang iba nale-late dahil sa walang katapusang pag-aayos ng buhok, ang mga kalbo, punas punas na lang!
Timeout muna sa sabunutan, bibida muna ang mga presko ang bumbunan dito sa Best Men! Ngayong Lunes, December 16, 10:30PM, sa GMA News TV Channel 11!
The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!

Tags: prstory, rovilsonfernandez
More Videos
Most Popular