Filtered By: Newstv
NewsTV

'Best Men' Hong Kong Special Part 2: Lost in Hong Kong


BEST MEN HONG KONG SPECIAL
PART 2: LOST IN HONG KONG
NOVEMBER 25, 2013



Isang adventure ang handog ng Best Men sa ikalawang yugto ng Hong Kong Special!
 
Kung noong isang linggo nakisaya tayo sa pagdiriwang ng kanilang “Wine and Dine Festival,” ngayon naman gagalugarin at lilibutin ni RJ ang Asia’s World City!  
 



 
Sakay ng kanilang efficient railway system na MTR, pupuntahan ni RJ ang iba’t ibang lokasyon sa Hong Kong! Ang una niyang stop ay ang “Avenue of Stars” kung saan kikilalanin niya ang isa sa pinakasikat na icon ng Hong Kong na si Bruce Lee! Tamang-tama dahil sa darating na November 27 ay gugunitain ang ika-73 kaarawan ng movie actor at martial arts icon! Bukod sa pagbabaliktanaw sa mga kontribusyon ng icon, tuturuan din si RJ ng mga Bruce Lee moves ng first-generation disciple ng “Wing Chun“ martial arts!  




 
Bibisitahin din ni RJ ang kaisa-isang Pinoy Resto sa Hong Kong. Tignan natin kung paano tanggapin ng Hong Kong nationals ang mga all-time Pinoy favorites gaya ng adobo at marami pang iba!
 
Sa kanyang pag-iikot, mararating din niya ang isang gusali na hindi ka makakalabas kung hindi mo magagawa ang mga challenges sa loob nito! Ito ang “Lost In Hong Kong” ang pinakasikat ngayon na reality escape game sa Hong Kong!
 
Samahan kami sa isang masaya't punong-puno ng mga bagong kaalaman na adventure sa ibang bansa! Ngayong Lunes na iyan, Nob. 25, 10:30 ng gabi sa GMA News TV-11!
 
The best ang Monday dahil ito ay Best Men day!