ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Best Men: Wakeboarding, shophalic guy, at swimming 101
WAKEBOARDING, SHOPAHOLIC GUY, AT SWIMMING 101
BEST MEN
Airing date: March 25, 2013
BEST MEN
Airing date: March 25, 2013

Matapos ang pagsalubong namin ng summer sa Subic, isa na namang summer destination ang bibisitahin ng Best Men! From North Luzon, we'll go all the way down to Batangas para sa isang sikat na water sports: ang wakeboarding! Siyempre, sasamahan tayo ng hot na hot na magazine model na si Paloma Esmeria! Kayanin kaya ng dynamic duo at ni Paloma ang mga wakeboard challenge na naghihintay sa kanila?
At dahil tuwing summer ay tumataas ang bilang ng mga nalulunod sa mga dagat at swimming pool, isang easy-to-follow swimming lessons ang inihanda ng Best Men para sa lahat! Isang lalaki rin ang aming tuturuang lumangoy kasama ang sexy comedienne na si Giselle Sanchez.
Kailangan din ninyong abangan ang isang self-confessed male shopaholic! Kung akala ninyo ay babae lang ang may ganitong problema, nagkakamali kayo dahil ang ibang mga macho, mahilig din sa shopping at tila naging bisyo na rin nila ito! Kilalanin si Erimar na laging problemado sa kanyang pagiging addict sa shopping! Bukod sa sobrang paggastos para sa mga gamit na hindi naman niya kailangan, nababaon na raw siya sa utang dahil sa bisyo niyang ito!
Samahan si Jun V at RJ Ledesma sa isa na namang masayang biyahe sa isang sikat na destinasyon sa Batangas! Abangan ang Best Men Summer Special ngayong Lunes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV channel 11! The best ang Monday dahil ito ay Best Men day!
More Videos
Most Popular