Filtered By: Newstv
NewsTV

Breakup Tattoo


Best Men Episode 73 Break-up Tattoo September 10, 2012 10:30PM, GNTV 11 Ang sarap talagang umibig…nakaka-adik! Kaya naman ang iba sa atin, isinusulat pa ang pangalan ng sinisinta kung saan saan. Mula sa mga pahina ng notebook, sa buhangin, sa pader, at kung minsan, inuukit pa sa puno at sa upuan ng klasrum! At kung wala nang masulatan, isinusulat na rin ito sa hangin! At ang pinakamatindi pa nito, ang iba na hindi talaga nakukuntento, ayun, permanenteng ibinuburda ang pangalan ng sinisinta sa kanilang balat sa pamamagitan ng “tattoo!” Ang tanong ng Best Men: Ganito ka rin bang umibig? Parang tattoo… panghabang-buhay? Paano kung hindi kayo nagkatuluyan?   Ganito ang naging sitwasyon ni Felix ngayon. Nagpa-tattoo siya ng pangalan ng kanyang nobya sa kanyang dibdib, pero ‘di nagtagal, nauwi rin sila sa hiwalayan. Napakahirap ang proseso ng pagpapabura ng isang permanenteng tattoo, kaya naman sinubukan niyang patungan ito ng bagong disenyo ng tattoo.   Kung si Felix ay nagsisisi sa pagpapa-tattoo ng pangalan ng sinisinta, ito namang si Echo, banat pa rin ng banat! Naka-ilang tattoo na ng pangalan ng babae si Echo sa kanyang balat, pero halos lahat naman sila ay hindi nagtagal ang relasyon. Pero para kay Echo, hindi na kailangan pang mag-isip ng bagong disenyo! Madali lang naman para sa kanya ang solusyon: patungan ang lumang tattoo ng pangalan ng kanyang bagong kasintahan!  Susubukan din ng Best Men ang tinatawag nilang Parkour o ang paglundag at pag-akyat sa mga matataas na pader na aakalin mong parang may spring sa paa! Kaya naman ang talento ng mga gumagawa nito, ginagamit sa mga maaaksyong eksena sa pelikula sa iba’t-ibang panig ng mundo! Pero sa napag-alaman ng Bestmen, ginagamit na rin daw ng mga akyat bahay gang ang Parkour para makapagnakaw. Paano nga ba makakaiwas sa ganitong  modus operandi?   Mga kwentong may kirot sa puso at rebelasyon ang hatid ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!

 
Tags: pr