Pagkaing inu-uod at nila-langgam, ating lantakan!
BEST MEN PRESENTS: Pagkaing inu-uod at nila-langgam, ating lantakan!
September 3, 2012 Monday, 10:30PM GNTV 11 Kung ang inorder mong pagkain ay kinakitaan mo ng uod, tiyak puputaktihin mo ng reklamo ang manager o may-ari ng restaurant! At sino nga ba ang matutuwa kung ang iyong paboritong ulam ay pinagpipyestahan na ng mga langgam? Talaga namang nakakawalang gana at nakakayamot ang ganitong mga pangyayari!
Isang restaurant sa Angono Rizal ang may kakaibang trip! Literal na inu-uod at nilalanggam ang iyong makakain dito! Akalain mong mismong uod at langgam na hantik ang mismong nao-order sa kanilang menu! Ihanda ang sarili sa isang kakaibang luto ng adobong uok at binusang hantik!
Nakilala namin si Joven Linteja, isang cook sa sikat na Balaw-balaw restaurant sa Angono, Rizal. Eksperto siya sa mga tinatawag nilang exotic delights! Siya ang makakasama ng mga butihing hosts ng Best Men para mangolekta at maghanap ng mga buhay na uod at hantik na isasahog sa kanilang kakaibang menu! Kayanin kaya nila RJ, Jace at Jun V ang hamong manghuli at kumain ng mga exotic delicacies na ito?
Isa sa mga mabilis na sumisikat na sports sa buong mundo ay ang tinatawag nilang “Mixed Martial Arts.” Pinaniniwalaang mauungusan pa nito ang sports na ito ang kasikatan ng boxing, dahil ika nga nila, dito makikita ang totoong galing ng isang “fighter.” At ngayon, isa sa mga pinakamalaking MMA event ay gaganapin dito sa Pilipinas hatid ng One Fighting Championship! At dito makakasalamuha at makakas-sparring ni RJ ang tinaguriang legends sa sports na ito – ang Gracie brothers!
Bakbakan sa ring at sa hapag-kainan ang hatid ng Best Men ngayong Lunes, 1030pm, sa GMA News TV channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!