Filtered by: Newstv
NewsTV
Mga battered husband, tampok sa "Best Men"
BEST MEN Air date: July 30, 2012 Normal lang sa isang relasyon ang minsang alitan, mainitang diskusyon, at tampuhan. Sabi nga nila, ito raw ang nagpapatibay sa isang samahan. Pero kung nagiging pisikal na ang paraan ng pag-aaway, hindi na ito katanggap-tanggap! Madalas ang mga kababaihan ang biktima ng mga ganitong pambubugbog ng kanilang ka-relasyon o asawa. Pero ang kaso ni Mang Tasyo, hindi niya tunay na pangalan, siya ang sinasaktan at binubugbog pa ng kanyang maybahay. Bihira nating naririnig ang ganitong kwento pero totoong may "battered husband " sa ating bansa. Sa loob ng 27 taong relasyon ni Mang Tasyo sa kanyang asawa, halos araw-araw ang kanilang nagiging pag-aaway. Kung hindi plato ang nababasag sa mukha ni Mang Tasyo, minsan raw lumilipad na martilyo ang inihagis sa kanya ng kanyang sigang misis. Nagkaroon sila ng tatlong anak, pero ang kanilang panganay ay naging isang retarded o may kapansanan sa pag-iisip. Sinisisi ni Mang Tasyo ang pagiging retarded ng kanyang panganay na anak sa sobra nilang pag-aaway ng kanyang misis noong ipinagbubuntis pa lamang nito ang kanilang anak. Tinitiis daw ni Mang Tasyo ang pananakit ng asawa dahil mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Katunayan, imbes na pumatol kay misis, lumalabas na lamang daw siya ng bahay para magpalamig ng ulo kaysa gumanti sa kanyang tigreng asawa. Ano kayang tulong ang pwedeng maibigay ng mga eksperto sa sitwasyon ni Mang Tasyo at ng kanyang asawa? Matapos ang mahabang taon ng pagsasama, matitigil pa kaya ang pisikal na pananakit ni misis kay mister? Sisikapin nina RJ at Jun V na ma-solusyunan ang kanilang problema. Umayon kaya sa "love is sweeter the second time around" ang ending ng love story na ito? Samantala ang host na si Jace ay bumisita sa isang pinagkakaguluhan at pinipilahang burger outlet ngayon dito sa Pilipinas! Kaya mo bang ubusin ang 4 pounds na beef patty na tinatawag nilang "Tombstone" burger!? At hindi lang iyan, may kasama pa itong 300 grams o halos kalahating kilong french fries! Kayanin kaya ni Jace ang hamon na ito!? Abangan ang mga kagila-gilalas na istoryang ito ng Best Men ngayon Lunes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday dahil ito ay Best Men Day!
Tags: plug
More Videos
Most Popular