ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Best Men: Sino ang bading?
BEST MEN Meron ka bang "gaydar"?
Airing date: July 23, 2012

Ang “in” daw ngayon sa mga bading ay ang pagpapalaki ng katawan o ang pagiging mga macho gays! Ang ilan pa sa mgamacho gays na ito ay boses lalaki rin kung magsalita at lalaking lalaki kung umasta. Kung ganun, paano pa malalaman ngayon kung sino ang tunay na lalaki sa certified na bading? Diyan masusubukan ang tinatawag nilang gaydar, ang terminong ginagamit kadalasan sa kakayahan ng isang tao na kumilatis kung ang isang lalaki ay bading o hindi. Sa konserbatibong bansa tulad ng Pilipinas, marami pa rin ang mga bading na patuloy na itinatago ang kanilang tunay na sekswalidad. Sila ang tinatawag na closet gays. Sa natuklasan ng Best Men, may kanya-kanyang dahilan ang mga closet gayskung bakit nila itinatago ang kanilang gender o kasarian. Sa espesyal na episode na ito ng Best Men, susubukan ng mga host ang konsepto ng gaydar! Isang social experimentang aming inihanda upang malaman kung totoong may gaydar ang karamihan sa atin! Tatlong lalaki ang inimbitahan namin na sasabak sa iba’t ibang pagsubok. Kikilatisin ang tono at paraan ng kanilang pagsasalita. Papahawakin ng mga nakakadiring mga daga at ipis! Sino kaya sa tatlo ang certified na bading!? Malalaman nga ba ang kabadingan ng isang lalaki base sa kanyang pagkilos o pagsasalita? Pero ang higit na mas mahalaga, sasagutin ng mga eksperto kung kailangan pa ba nating malaman kung bading o hindi ang isang lalaki. Bukod diyan, ilalahad din ang iba’t ibang kwento ng mga macho gays na tulad ni Mr. Gay Philippines 2010 na umaming bading sa kanyang girlfriend ng anim na taon! Tunghayan din ang kakaibang love story ni Freddie, isang aminadong bading na tuluyang umibig sa isang babae at nakabuo ng isang pamilya! Tutok na sa Best Men at subukan ang inyong gaydar ngayong Lunes, 10:30 ng gabi sa GMA News TV! The Best talaga ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!
Tags: plug
More Videos
Most Popular