Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway

Former CHED Chair Patricia Licuanan, magsasalita na tungkol sa kanyang pagbibitiw


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
LUNES, 22 JANUARY 2018, 10:15 PM

"Siguro mabuti na mag-resign ka na." Ito ang pahayag 'di umano ni Secretary Salvador Medialdea kay Commission on Higher Education Chair Dr. Patricia Licuanan nang tawagan siya noong araw ng Linggo.  Lunes ng umaga, January 15, 2018 nagbitiw sa puwesto si Dr.  Licuanan. Ayon sa eksklusibong panayam ni Licuanan sa programang Bawal ang Pasaway, marami na raw natatanggap na reklamo ang palasyo tungkol sa kanya. Una na rito ang alegasyon ukol sa 'di umano'y mga maluhong biyahe. "Corruption, that is something I cannot accept. I know there are people maneuvering who want me out."

Nilinaw ni Licuanan kay Mareng Winnie, walo lamang ang naging official trip niya noong 2017. Lahat ng mga ito, aprubado mismo ng  Malacanang. Dalawa raw sa walong biyahe, maituturing na personal na lakad. Nakasaad din sa kaniyang travel order form na karamihan sa kaniyang biyahe, sinagot ng mga nag-imbitang bansa para sa CHED. Itinanggi naman ni Dr. Licuanan ang akusasyon ni  Rep. Jericho Nograles na 41 araw siyang wala sa opisina at mahigit P 800,000 rin daw ang nagamit niyang  pondo ng kagawaran. Ani ni Licuanan, kung susumahin 31 araw lamang siyang absent dahil Sabado at Linggo karamihan ang kanyang mga biyahe.

Alamin ang kwento sa likod nang pagbaba sa puwesto ni CHED Chair Dr. Patricia Licuanan sa "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie," 10:15 PM sa GMA News TV.