Estado ng sugal sa Pilipinas, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'
SUGAL
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
12 JUNE 2017, 10:15 PM SA GMA NEWS TV
“At the end of the day, talo ka sa sugal.” Ito ang pahayag ni gaming consultant Charlie “Atong” Ang sa panayam sa kanya ni Mareng Winnie ukol sa mga adik sa sugal. Ganunpaman, may mga lulong pa rin dito dahil umaasa sila na matatalo nila ang sistema. "Hope against hope," ika nga ni Dr. Randy Dellosa, isang psychiatrist.
Pero hanggang saan ang kayang gawin ng isang adik sa sugal? Matatandaan na kamakailan isang trahedya ang naganap sa Resorts World dahil kay Jessie Carlos, isang gambling addict. 37 ang namatay. Ayon kay Ang, kapag apektado na ang pamilya, trabaho at sarili, sigurado adik na ang isang tao. Kasama raw rito ay kapag nagsusugal pa rin kahit wala nang pera.
Ang pagkahayok sa sugal ay isa umanong "hidden addiction," ayon kay Dr. Dellosa. Mas nakakatakot daw ito kaysa sa pagkalulong sa droga dahil madalas inililihim daw ito sa mga kaanak.
Ang nakikitang solusyon ni Ang at Dr. Dellosa, paigtingin ang seguridad at ipaskil sa entrance ng mga establishments na ito ang litrato ng mga banned sa casino. Kailangan din daw pagtuunan ng pansin ang rehabilitasyon ng gambling addicts. Tantiya nila, aabot sa P150 million ang kailangan para sa rehabilitation ng 500 gambling addicts sa loob ng 6 na buwan. Maliit lang umano ang halagang ito kung ikukumpara sa kinikita ng mga casino kaya’t hinihikayat nila na bigyang pansin ito ng gobyerno.
Ang tanong, may magagawa nga ba ang gobyerno kung may mga politiko umano na nasa likod ng kalakarang ito? Pahayag ni Ang, "bawat gambling lord, may hawak na politiko." Ang sugal umano ang gumagawa ng presidente. Nang tanungin ni Mareng Winnie si Ang kung tingin niya maayos ang pagpapatakbo sa PAGCOR, aniya "tingin ko may politika sa loob."
Pag usapan natin sa Lunes ang sugal sa Pilipinas at ang mga naloloko sa larong ito kasama sina Atong Ang at Dr. Randy Dellosa sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:15 ng gabi pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho sa GMA News TV.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us