Filtered By: Newstv
NewsTV
Katiwalian sa kapulisan, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'
Mga Tiwaling Pulis, Kailan Malilinis?
Lunes, February 6, 2017
10:15 PM sa GMA News TV
Sa headquarters ng Philippine National Police sa Camp Crame, naganap ang pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo. Ang mga suspek, mismong mga pulis. Ito ang naging hudyat para iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil muna ang operasyon laban sa droga at tutukan ang paglilinis sa rango ng kapulisan. Ang tanong, mananagot nga ba ang mga pulis na tiwali?
Nasa ilalim ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang malaking porsiyento ng mga miyembro ng PNP. Ayon kay NCRPO Regional Director Oscar Albayalde, 17% ng kabuuang PNP ay nasa Maynila at 30% ng buong Pilipinas ang sakop ng NCRPO. Ang nakaaalarma, 50% ng drug related reports ay nasa Maynila rin.
Aminado si Albayalde na may 5-10% na tiwali sa mga pulis na kanyang pinamumunuan. Kalimitang mga bagong pulis umano ito. Ganunpaman, isolated case raw ang nangyari sa Korean national. Ito ang naging dahilan kaya pinabuwag na ni Pangulong Duterte ang Anti Illegal Drugs Group. Aniya, “we relieved the whole station kasi di na ma-pinpoint sino involved, sino hindi.”
Dagdag ni Albayalde, mahigit 80 pulis na may kasong sangkot sa droga, nagmula sa NCRPO. Ipinadala raw muna sila sa Mindanao habang gumugulong ang imbestigasyon. Nang usisain siya ni Mareng Winnie kung inililipat lang niya ang problema imbes na tuldukan ito, ani Albayalde, ito ay paraan para ilayo ang mga pulis na may kaso sa kanilang “sphere of influence.”
Change is coming na nga ba? Anong klaseng pagbabago ang magagawa ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde? Paurong o pasulong? Abangan ang mga rebelasyon sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10.15 ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular