Filtered by: Newstv
NewsTV

Sen. Manny Pacquiao, sasalang sa hot seat ng 'Bawal ang Pasaway


 

Tagumpay ang naiuwi ng ating pambansang kamao nang masungkit niya ang WBO Welterweight title kamakailan laban sa Amerikanong si Jessie Vargas. Nagwakas sa unanimous decision ang tapatan dahil sa mabibilis at mala-bakal na mga suntok ni Sen. Pacquiao. Sabay sa pagkapanalo ng People's Champ, nasungkit din ang isyu ng paglibre ni Pacquiao sa pamasahe papuntang Las Vegas, hotel accommodation at boxing tickets ni PNP Chief Ronald "Bato" Dela Rosa at ng pamilya nito. Ang pagtanggap ni Gen. Bato rito ay malinaw umano na paglabag sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public officials and Employees.

Sa panayam sa kaniya ni Mareng Winnie, inamin ni Pacquiao ang paglibre niya kay Gen. Bato. Banat ni Pacquiao, matagal na raw niya itong ginagawa pero bakit ngayon lang pinuna? Katunayan, hindi lang daw si Gen. Bato Dela Rosa ang taga-gobyernong nilibre ni Sen. Pacquiao sa kanyang mga laban, ang iba pa ay mapapangalanan niya ngayong Lunes. Mahigit 15 hanggang 20 katao raw mula sa gobyerno ang binigyan ng complimentary ticket, at tinatayang 1,000 US dollars daw bawat isa nito, ayon kay Sen. Pacquiao.

Ipinaliwanag rin ng senador kung bakit siya bumoto laban sa resolusyon sa senado kaugnay ng Marcos Burial sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay Pacquiao, legal ang pagpapalibing dahil nakasaad sa batas na puwedeng ihimlay doon ang isang dating Presidente bagamat siya ay naging diktador. Kailangan din daw magpatawad tulad nang pagpapatawad ni Hesukristo sa atin.

Panoorin ang unang bahagi ng panayam ni Mareng Winnie kay Manny Pacquiao ngayong Lunes, 10:15pm sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa GMA News TV.

Tags: plug