Filtered by: Newstv
NewsTV

Mga kaganapan noong panahon ng Martial Law, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'


GMA News TV

Sept 19, 2016

Monday 10:15 PM

Bawal ang Pasaway: Nakabuti ba ang Martial Law?

Noong panahon ng kampanya muling naging isyu ang Martial Law noong Dekada ‘70. May mga nagsasabi na mas maganda noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos kung ikukumpara sa ngayon. Maunlad ‘di umano at mas disiplinado ang mga tao. Sa punto de vista ng isang naranasanang buhay noong Martial Law at napagdaanan ang mga sumunod pang administrasyon, totoo bang nakabuti ang Martial Law?

Nakapanayam ni Mareng Winnie ang isa sa mga kilalang naging biktima ng panahon ng diktaturya sa ilalim ni Marcos, si dating senador Aquilino “Nene” Pimentel. Apat na beses siyang nakulong,  mula pagka-detena sa Camp Crame, Fort Bonifacio, Cebu at umabot pa ng Cagayan. Aniya, “Kasalanan ko yung bunganga ko, ayaw ko naman pigilan ang Freedom of Speech.”

Ikinwento ni Pimentel ang pamimilit ng mga sundalo na umanib siya sa mga Marcos kapalit ng kanyang paglaya, ngunit nanindigan siya. Nang tanungin kung naging mas ligtas nga ba ang Pilipinas sa ilalim ng diktaturya, ang sagot niya ay dahil sa curfew kahit papaano raw ay maaring masabi ito. Peroang naging kapalit umano nito ay ang pag-ipit sa karapatang pantao. Ikinuwento niya na naririnig niya ang pang-aabusong ginawa ng mga pulis o ng Philippine Constabulary noon sa apat na lugar kung saan siya naidetena.

Ayon sa mga pro-Marcos, golden age umano ang panahon ng Martial law. Ang sagot ni Pimentel, "Para lamang sa mga Marcos." Isa ito sa mga dahilan kung bakit tutol si Pimentel sa paglipat ng mga labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Pwede lang daw siyang ilibing dito kung papalitan ang pangalan nito na "Libingan ng mga Bayani at Iba pa." Doon daw sa iba pa ilalagay si Marcos.

Nang tanungin siya kung maaaring maulit uli ang batas militar sa ilalim ni President Duterte, aniya "malayo pa kung ikukumpara sa administrasyon ni Marcos."

Panahon na nga ba para patawarin ang mga Marcos? Ano ang posibilidad na maulit ito? Alamin ang pinalawig na diskusyon kasama si dating Sen. Nene Pimentel sa darating na Lunes, September 19, 10:15pm sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV.

 

Tags: plug