Filtered by: Newstv
NewsTV

Mga mayoral candidate sa Valenzuela City, kikilatisin sa 'Bawal ang Pasaway'


GMA News TV
February 29, 2016
Monday 10:15 PM

Bawal ang Pasaway: Gatchalian vs Gunigundo

Opo, walang plastic ban sa Valenzuela.

Ganun din sa Bawal ang Pasaway, kaya walang plastikang naganap sa paghaharap ng magkatunggali sa pagka-alkalde ng lungsod na sina Mayor Rex Gatchalian at Valenzuela City District 2 Rep. Magtanggol Gunigundo. Noong nakaraang eleksyon, ang asawa ni Gunigundo na si Adelma ang nakatunggali ni Gatchalian sa pagiging mayor.

Ito ang  unang pagkakataon na maghaharap ang dalawa, at wala silang takas sa mga tanong ni Mareng Winnie.

Isa sa mga isyu na pinag-usapan nila ay ang hindi pagpapatupad ng plastic ban ng Valenzuela City. Malaking problema ng siyudad ang pagbaha kaya marami ang nagtataka kung bakit mariing nilalabanan ng lungsod ang plastic ban. Ayon kay Gunigundo, tutol si Gatchalian sa plastic ban ay dahil doon yumaman ang pamilya ng kanyang kalaban.

Inusisa rin ni Mareng Winnie ang di umanoy maanomalyang proyekto ng ITO NA Movement Foundation Inc. o ITONAMI, isang NGO na pinondohan ni Gunigundo na isinasangkot sa Pork Barrel Scam.

Kilala rin sa mga political dynasty ang lungsod ng Valenzuela. Bukod kay Mayor Rex, nasa pulitika rin ang mga kapatid nito na sina Rep. Win at Rep. Wes Gatchalian.

Si Rep. Magi naman ay apo ng naging acting governor at provincial board member ng Bulacan na si Atty. Serafin Gunigundo. Anak siya ng dating chairman ng Presidential Commission on Good Governance na si Atty. Magtanggol Gunigundo Sr. Ang asawa naman naman niya na si Adelma ay naging chairman ng Barangay Marulas.

Naging mainit na usapin rin sa paghaharap nila ang droga dahil sa bilang ng mga nasasakoteng shabu at nire-raid na drug den. Ano kaya ang mga problema at solusyon na kanilang ibabato sa isa’t isa?

Tunghayan ang walang plastikang panayam ni Mareng Winnie kina Gatchalian at Gunigundo ngayong Lunes, February 29, 10:15 PM sa GMA News TV.

Tags: plug