Filtered By: Newstv
NewsTV
Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron at Edward Hagedorn, muling maghaharap sa 'Bawal ang Pasaway'
Bawal ang Pasaway: Hagedorn vs. Bayron: Politika sa Puerto Princesa Part II
Hulyo 27, 2015
Lunes, 10:15 pm
GMA News TV
Noong nakaraang Lunes, marami ang nasagasaan nang nagliparan ang mga akusasyon ng katiwalian sa pagitan nina dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn at incumbent Mayor Lucilo Bayron nang masalang ang dalawa sa hot seat ni Mareng Winnie.
Ngayong Lunes, tuloy ang bakbakan ng salita ng dalawa, simula sa pag-ungkat kung bakit nakilala raw na “Mr. Reimbursement” si Hagedorn sa dating balwarte.
Ayon sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, maanomalya umano ang mga reimbursements ni Hagedorn gaya ng 33 units ng electric-powered vehicles na binili niya na nagkakahalaga ng mahigit siyam na milyong piso.
Buwelta ni Hagedorn, “Mabilis po tayong kumilos. Ayaw natin ng proseso. Bago makarating ang pera sa’yo, patay na ‘yung pasyente. So I did the easiest way.”
Inamin naman ni Mayor Bayron na alam niya ang mga reimbursements na ito, pero hindi raw niya alam na bawal ito. Ani ni Bayron, “kasi ang pagkaalam namin pwede, siya nga ang alam niya pwede. ’Yun pala hindi pwede mag-reimburse, na pwede lang maging payee sabi ng auditor ay ‘yung supplier o kaya ‘yung mga bonded official.”
Parang kabuteng nagsulputan ang mga kaso laban kay Edward Hagedorn matapos ang halos dalawang dekadang panunungkulan niya bilang alkalde ng Puerto Princesa City.
Isa na rito ang 2.3 million na maanomalya umanong ginamit ni Hagedorn sa pagbili ng mga sports uniform ng mga atleta noong February 2010.
Sagot naman ni Hagedorn politically motivated ang mga isinampang kaso. Lumabas raw kasi ang mga ito ilang buwan bago ang recall election. Pero ayon kay Bayron, wala siyang kinalaman sa mga kasong ito. Hindi raw niya ito iniutos.
May katotohanan kaya ang mga kaso laban kay dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn? O na may kinalaman si Mayor Lucilo Byron sa mga kasong ito? Ang kasagutan, alamin sa pagpapatuloy ng one on one interview ni Mareng Winnie kina Mayor Lucilo Bayron at Edward Hagedorn.
Abangan ngayong Lunes ang Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, 10:15 pm sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular