Mga problema sa LTO, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'
Bawal Ang Pasaway
#LTOproblems
Usad pagong. Mala-trapiko sa Metro Manila ang pag release ng bagong plaka ng Land Transportation Office o LTO. Enero ng taong ito nang ipinatupad ang Change Plate o ang pagpapapalit ng plaka ng mga rehistradong sasakyan. Sa isinagawang polisiya, nagkaroon ng iba’t ibang problema ang mga motorista tulad ng pagkakaroon ng delay at dagdag gastos sa proseso.
Dagdag perwisyo pa sa mga motorista ang “No plate – no travel.” Pero ayon kay LTO Asst. Sec. Alfonso Tan Jr. “No registration – no travel” policy ang ipinatupad ng kanyang opisina.
Maliban sa mga plaka, reklamo rin ng mga motorista ang pag-isyu sa kanila ng temporary license. Gawa lamang ito sa papel at ilang buwan ang kanilang hinihintay para makuha ang mismong lisensya.
Inamin ni Assec. Tan nagkaroon ng kakulangan sa materyales sa paglalabas ng mga lisensya dahil nawalan umano ito ng supplier. Kailan kaya mareresolba ang problemang ito?
Ipinatupad din ng LTO ang “no helmet – no travel” policy. Pero huli sa citizen’s camera na mismong mga pulis ang lumalabag dito. May ngipin ba ang LTO para hulihin ang mga ito?
Mga reklamo ng publiko laban sa LTO, iisa-isahin ni Mareng Winnie sa panayam niya kay LTO Asst. Secretary Alfonso Tan Jr. sa Lunes, June 29, 10:15pm sa Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie, pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho.