Filtered by: Newstv
NewsTV

Batangas Governor Vilma Santos-Recto, naging emosyonal sa 'Bawal ang Pasaway!'


Governor Vilma Santos-Recto (Part 2)
Date of airing: April 13, 2015 


"We are no saints, but definitely we are not devils."

Isa lamang ito sa mga binitiwang salita ni Governor Vilma Santos-Recto noong nakaraang Lunes sa
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Professor Solita Monsod, mas maraming pang isyu ang kaniyang lilinawin.

Kauna-unahang babaeng mayor ng Lipa at kauna-unang babaeng gobernador ng Batangas si Governor Santos-Recto. Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, mula 1.7 billion noong 2007, tumaas ang pondo ng Batangas at umabot ito ng 3.2 billion ngayong 2015. Pagdating sa serbisyo publiko, una raw sa listahan niya ang kalusugan ng mga Batangueño. 

Itinuturing na People's Day sa Batangas kapag araw ng Lunes. Sa araw na ito, hinaharap ng gobernadora ang mga nais siyang makausap. Naabutan ng Bawal ang Pasaway ang ilan sa kanila -- may gusto siyang kunin na ninang sa kasal, may nanghihihingi ng pondo sa kanilang proyekto, at maging ang kampo ni Mayor Duterte ng Davao nakapila rin. 

Sa kaniyang one-on-one-interview  kay Mareng Winnie, diretsahan namang sasagutin ni Governor Santos-Recto ang bawat tanong sa kanya. 

Nililigawan ba siya ni Mayor Rodrigo Duterte para sa eleksyon sa 2016? Nakapunta na ba siya sa sinasabing Binay farm sa Batangas? Kumusta ang kaniyang sex life? Nangaliwa na ba ang kaniyang asawa na si Senator Ralph Recto? 

"Totally transparent, totally herself, and no hiding," ganyan ilarawan ni Professor Monsod ang kaniyang panayam sa Star for All Seasons. Sa katunayan, hindi naiwasan ni Governor Santos-Recto na maging emosyonal sa kanilang usapan. Mapapanood ang kabuuan nito ngayong Lunes, 10:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV.