Filtered by: Newstv
NewsTV

Shalani Soledad at Roman Romulo, ngayong Lunes sa 'Bawal Ang Pasaway'



Hunyo nang magkakailala sila. Naging magkarelasyon sa buwan ng Agosto. Naging engaged sa buwan ng Setyembre. Pagdating ng Enero, ikinasal na sina Rep. Roman Romulo at Shalani Soledad.
 
Sa kabila nito, nahirapan daw manligaw si Rep. Romulo dahil hindi sinasagot ni Shalani ang mga tawag at text messages niya noong unang mga buwan. Sa tulong ng mga kaibigan, nagawa raw niyang makasali sa mga lakad na kasama si Shalani.  Hanggang sa isang akyat nila sa Mt. Banahaw, nagkaroon sila ng pagkakataon na magkausap.
 
At sa bilis daw ng mga pangyayari, napagalitan ng magulang si Shalani dahil unang nalaman ng kanyang pamilya ang kanyang engagement sa television reports at hindi mula sa kanya.
 
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, ipaliliwanag ni Shalani kung bakit naging ninang sa kanilang kasal si Janet Napoles, na nasa sentro ng pagsisiyasat sa maanomalyang paggamit ng pork barrel ng ilang mambabatas. Sasagutin din ni Rep. Romulo ang isyu na kumukuwestyon sa kanyang pagkalalaki.  
 
Alamin ang iba pang balita sa mag-asawang Romulo sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.