Filtered By: Newstv
NewsTV
Bayani at Marides Fernando sa Bawal ang Pasaway
Tahimik at malayo na sa mata ng publiko ang mag-asawang Bayani at Marides Fernando. Mula noong 2010 matapos matalo sa labanan sa pagka-bise presidente si Bayani, bihira nang makita sa publiko ang dalawa.
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Bayani na sa nakalipas na apat na taon ay naging abala sila sa kanilang construction business. Ang kanilang anak na babae ang kanila raw amo ngayon.
Nang tanungin kung babalik sila sa politika sa 2016, tumangging magbigay ng sagot ang mag-asawa. “There’s a time and an opportunity for everything. For now, private individuals muna kami,” ang sagot ni Bayani. Sa edad na 59, naniniwala siyang marami pa siyang ibang bagay na magagawa, bukod sa politika.
Ayon kay Marides, umasa siya noong bago sila ikasal na hindi papasok sa politika ang kanyang mister. Nang panahon na iyon ay alkalde ng Marikina ang ama ni Bayani.
Pero napilitan daw si Bayani na tumakbo. “I cried when he said he was going to run but I let him run. He promised one term lang,” sabi ni Marides.
“Iyon lang ang pagkakataon na naging boss ako sa bahay,” sagot naman ni Bayani.
Kilalanin ang mag-asawang Fernando sa panayam ni Mareng Winnie sa Bawal ang Pasaway sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular