Filtered by: Newstv
NewsTV
Usaping impeachment sa 'Bawal ang Pasaway'
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
28 July 2014 Episode
IMPEACHMENT

Hindi umaasa si Archbishop Oscar Cruz na susulong sa Kongreso ang impeachment complaint na kanilang inihain laban kay Pang. Benigno Aquino.
Isa si Archbishop Cruz sa mga lumagda sa petisyon na mapatalsik ang pangulo dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Naniniwala si Cruz na dahil sa DAP, lumabag sa Saligang Batas ang pangulo. Naligaw raw ang pangulo sa tuwid na daan.
Dahil din dito, nawalan daw sila ng tiwala sa pangulo. Gayunman, duda siya kung magkakaroon ng sapat na boto para maalis sa puwesto ang pangulo lalo pa’t paramihan lang ng boto ang mamamayani sa proseso.
Tutol naman sa mga kilos laban sa pangulo si Jose Morales, pinuno ng Urban Poor Alliance. Sa DAP daw, diretso ang pondo sa mga mahihirap na nangangailangan nito. Ang ganitong uri daw ng pondo ang inaasahan ng mga mahihirap.
Ano ang pananaw ni Prof. Solita Monsod sa mga pagkilos para mapatalsik si PNoy?
Alamin iyan sa Lunes, 10:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug
More Videos
Most Popular