Filtered By: Newstv
NewsTV

Glenda Barretto ng Cafe Via Mare sa 'Bawal ang Pasaway'






BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
19 May 2014 Episode
GLENDA BARRETTO

 
Sino ang pihikan sa pagkain sa mga naging pangulo ng bansa? Ano ang gusto at ayaw nilang makita sa mesa? Ang sagot sa mga ito ay alam ni Glenda Barretto, isa sa kinikilala pagdating sa husay sa kusina.  
 
Panahon ng martial law nang itinatag nina Barretto at ilang kaibigan ang kainang Via Mare. Apat na dekada na ito ngayon, pero patuloy pa rin itong naghahain ng kakaibang putahe.   
 
Tubong Calbayog, Samar si Glenda. Bata pa lang daw ay nahilig siya sa pagluluto dahil sa kanyang ina na mahusay ring magluto. Pero matagal bago siya nagkakalakas ng loob na magnegosyo. Empleyado siya sa isang hotel sa Makati nang magdesisyon siya at ilang kaibigan na magsama-sama ng pondo para magtayo ng restawran.





Mga presidente ang kabilang sa mga naging kliyente na ni Barretto, mula kay dating pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa kasalukuyang pangulo na si P-Noy. Kabilang din sa mga ipinagluto na niya ay ang hari ng Espanya na si King Juan, ang pangulo ng America noon na si Gerald Ford, ang modelong si Brooke Shields, at maging si Pope John Paul II.
 
Sa Lunes, sasama sa kusina ni Barretto si Mareng Winnie para panoorin ang paghahanda ng mga putaheng ikinasikat ng Via Mare. Abangan iyan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, Mayo 19, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.