Filtered by: Newstv
NewsTV

Usapang suwerte sa 'Bawal ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
3 February 2014 Episode
USAPANG SUWERTE






Psychic consultant ang titulo ni Francis Gao. Natural ang husay niya sa Feng Shui at ni hindi niya kinailangan ang gaanong pag-aaral dito. Kabilang sa mga kliyente niya ay ilang mga politiko, artista at malalaking kompanya ng restaurant at hotel.
 
Para sa 2014, mas kaunti raw ang nakikita niyang kalamidad na tatama sa Pilipinas. Dapat daw mag-ingat ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng sign of the rat. Ang mga taong dadating daw sa edad na nagtatapos sa 9 ay dapat ding mag-ingat.
 
Pero ang kakaibang kakayahan ni Francis Gao ay alam niya ang pagkatao ng mga indibidwal batay lamang sa kanilang kaarawan. Ilang birthday ang ibinigay sa kanya at kanyang inilarawan ang pagkatao ng mga ito.
 
Tugma kaya ang kanyang pagsasalarawan sa mga politikong may-ari ng mga kaarawang ibibigay sa kanya?

Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.