Filtered By: Newstv
NewsTV
Pinoy Toothpaste sa 'Bawal ang Pasaway'
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
9 DECEMBER 2013 EPISODE
PINOY TOOTHPASTE
Makailang ulit munang nabigo at minsan ay napaiyak pa sa hirap bago naging matagumpay si Dr. Cecilio Pedro, may-ari ng Lamoiyan Corporation.
Dati, kasama ang ilang kaibigan ay gumagawa sila ng aluminum containers para sa iba't ibang produkto. Pero minsan ay hindi pumasa sa kanilang kliyente ang isang libong lalagyan ng toothpaste. Dahil dito ay sinimulan ni Dr. Pedro ang pagsasaliksik sa paggawa ng toothpaste, na inabot din ng taon bago nagresulta sa pangunahing produkto ng kanyang kompanya ngayon.
Makalipas lang ang ilang taon, naging matagumpay ang negosyo ni Dr. Pedro. Dalawampu't limang taon na ngayon ang Lamoiyan at bilyon na ang halaga. Sa kabila nito, nanatiling simple ang pamumuhay ng pamilya Pedro. Isang dekada pa lang daw ang nakalilipas nang una siyang bumili ng kotse. Nakatikim siya ng mamahaling relo noong 2008 lamang.
"Postpone luxuries as much as possible," payo ni Dr. Pedro sa mga nagnanais yumaman.
Hindi rin siya madamot na amo. Ang kanyang suweldo na P1 million kada buwan ay sa paaralan para sa mga may problema sa pandinig napupunta. Trenta porsiento ng kanyang mga empleyado ay mula sa hanay na ito dahil sila raw ang pinakamarami sa mga differently abled.
Alamin ang mga sekreto sa pagyaman ng isa sa mga lider sa industriya ng manufacturing sa episode na ito ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, Disyembre 9, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular