Filtered by: Newstv
NewsTV
'Bawal Ang Pasaway:' Kung walang PDAF, walang mahirap?
Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie
Kung Walang PDAF, Walang Mahirap?
Airing Date: 29 July 2013
Dapat na bang alisan ng kapangyarihan sa pondo ng bayan ang mga mambabatas? Ano ang opinyon dito ni Mareng Winnie?
Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Kung Walang PDAF, Walang Mahirap?
Airing Date: 29 July 2013
Walang duda, malaking halaga ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF at maliit ang P10 billion na sinasabing naibulsa sa pondong ito.
Ito ang napagtibay sa diskusyon nina Prof. Solita Monsod, Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza, at Sixto Donato Macasaet, Executive Director ng Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO).

Ayon kay Commissioner Mendoza, ilang linggo mula ngayon ay ilalabas ng COA ang resulta ng pag-aaral ng ahensiya sa paggamit ng PDAF. Bagaman tumangging magbanggit muna ng detalye, bilyong piso raw ang kanilang natagpuang nasayang sa mga ghost projects, malabnaw na semento sa mga daan, at non-government organizations na peke.
Ayon naman sa CODE-NGO, sampung mambabatas lang sa kanilang nilapitan ang nagbigay ng mga papeles na naghahayag kung saan nila dinala ang pondong para sa kanilang distrito.
Dapat na bang alisan ng kapangyarihan sa pondo ng bayan ang mga mambabatas? Ano ang opinyon dito ni Mareng Winnie?
Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular