Filtered by: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: Mahal na tubig


MAHAL NA TUBIG
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: July 15, 2013




Walang ilegal sa pagpapasa sa consumers ng income at business tax ng Maynilad at Manila Water.
 
Ito ang pahayag ni Felipe Medalla, dating consultant ng Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems o MWSS. Aniya, garantisado sa 1998 na kontrata ng dawalang concessionaire na kukunin nila ang ilang gastusin ng kompanya mula sa koleksyon nila.
 
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Medalla mismong ang MWSS ang bumalangkas ng kontratang ito, na tinutuligsa ngayon.
 
Tiniyak naman ni Randolph Estrellado, Chief Finance Officer ng Maynilad na maayos ang paghawak sa perang mula sa consumers ng kanilang kompanya. "Hindi kami nangongolekta nang di pa namin nagagastos," ayon sa kanya. Inilahad din niyang umaabot sa P9 billion ang gastos nilang hindi pinayagang singilin ng MWSS. 
 
Sa kabila nito, kinuwestyon pa rin ni Prof. Monsod ang pagtaas ng tatlong beses ng singil sa tubig mula noong 1998. 
 
Makatwiran ba ang taas sa singil sa tubig at ang pagpapatupad ng kontrata sa pagitan ng MWSS, Maynilad, at Manila Water?

Alamin ang iba pang detalye ng isyu sa Lunes, ika-10 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.