Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Pilipinas o Filipinas?
PILIPINAS O FILIPINAS?
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: July 8, 2013
Kung babaguhin man ang pangalan ang ating bansa, hindi na ito dapat limitahan sa pagpapalit ng unang letra nito.
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: July 8, 2013
Kung babaguhin man ang pangalan ang ating bansa, hindi na ito dapat limitahan sa pagpapalit ng unang letra nito.
Ito ang opinyon ni Dr. Lakandupil Garcia ng Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Filipino sa panayam ni Prof. Solita Monsod. Ayon kay Dr. Garcia, ang pagkilos para gawing Filipinas ang Pilipinas ay paurong, sapagkat bumabalik lamang tayo sa nakalipas na panahon nang sakop pa tayo ng Espanya.
"Lahat ng umuunlad na bansa ay pasulong, bakit tayo paurong gayong di na tayo sakop ng Espanya?" sabi ni Dr. Garcia. Tutol ang kanyang grupo sa kapasyahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na nagbabalik sa Filipinas at nagpipigil sa paggamit ng Pilipinas.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Marne Kilates ng KWF na dapat lang baguhin ang pangalan ng bansa dahil kasama na sa ating alpabeto ang letrang F, na dati ay wala. Wala rin aniyang gastos sa gagawing pagbabagong ito. Tiniyak din niyang ang kapasyahan ng KWF ay sumailalim sa konsultasyon sa mga representante ng lupon sa mga rehion.
Ikaw Kapuso, Filipinas o Pilipinas? Alamin ang mga argumento sa likod nito sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular