Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: 1, 2, 3, K to 12
1, 2, 3, K TO 12!
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: June 3, 2013
Sa Lunes, wala nang atrasan. Simula na ng pasukan at pangalawang taon ng K to 12 na programa ng Department of Education (DepEd).
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: June 3, 2013
Sa Lunes, wala nang atrasan. Simula na ng pasukan at pangalawang taon ng K to 12 na programa ng Department of Education (DepEd).
Ito ang taon na bawat batang anim na taong gulang na papasok sa grade 1 ay dapat nakapagtapos ng kindergarten, ayon kay DepEd Assistant Secretary for Planning, Jesus Mateo. Ang mga hindi nakapasok ng kinder, isasailalim sa walong linggong paghahanda para sa grade 1. Pero sa susunod na taon, lahat ng bata sa edad na lima ay dapat nang maipasok sa kindergarten, ayon sa DepEd.
Inaasahan ding magkakaroon ng problema sa pagtanggap ng mga estudyante. Kailangan kasi, noon pang Enero ini-enrol ng mga magulang ang kanilang anak sa grade 1. Sakali mang di na magkasya ang mga estudyante, sa ibang pinakamalapit na paaralan palilipatin ang mga di nakapag-enroll nang maaga.
Kulang pa rin ng mga guro na dapat ay nakuha na para magturo sa mga bagong klase. May humigit-kumulang na 9,000 pa raw na kailangang kunin ang DepEd. Pansamantala ay mga teacher volunteers ang ipansasagot ng DepEd sa problemang ito.
Pagdating naman sa textbooks at workbooks, hindi pa raw lahat ay naihahatid lalo na sa mga liblib na lugar. Sa aspetong ito, nakikiusap ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan at pribadong grupo na tulungan sila.
Marami mang problema, nanawagan ang edukador na si Dr. Milwida Guevara na tulungan ang DepEd sa pagpapatupad ng K to 12. Hindi na raw mapipigil ang programa kaya dapat itong suportahan, lalo na sa pagsasanay ng mga guro para maging mas mahusay ang kalidad ng mga ito sa math, grammar.
Alamin ang estado ng K to 12 at mga problemang haharapin ng sektor ng edukasyon kasama si Prof. Solita Monsod sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi.
More Videos
Most Popular