Filtered by: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: Pumapakyaw ng boto


PUMAPAKYAW NG BOTO
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: May 6, 2013


 
Ang politika ay ninenegosyo. 
 
Ito ay ayon kay JP, isang "political operator." Trabaho raw niya ang mag-organisa ng mga tao na iikot sa mga botante para mamigay ng pera sa ngalan ng mga kandidatong gustong manalo, marumi man ang paraan.  
 
Sa kanyang pagharap kay Prof. Solita Monsod, ipinaliwanag ni JP na ang ang vote-buying ay parang multi-level marketing o networking. Hawak ng political operators ang iba't ibang team leader sa isang lugar, na siya namang lumalapit sa mga tao na babayaran ang boto.
 
Ayon kay JP, ang isang botante sa lugar nila ay maaaring makatanggap ng hindi bababa sa PHP 1,000 sa buong panahon ng kampanya hanggang eleksyon. Ang mga political operator naman na gaya niya ay kumikita ng 500,000 Pesos hanggang 2 million Pesos sa isang taon na pag-oorganisa ng mga tao.
 
Wala mang mapatunayang mga kaso ng vote-buying at vote-selling, tinitiyak ni JP na ito ay bahagi na ng eleksyon at mahirap nang mawala sa sistema ng pulitika sa Pilipinas.
 
Ikaw, ibebenta mo ba ang boto mo?
 
Mga Kapuso, alamin ngayong gabi ang sistema ng vote-buying sa Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.