Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Dayaan sa halalan
DAYAAN SA HALALAN
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: April 29, 2013
Minaliit ng Commission on Elections ang mga pangamba na magkakaroon ng dayaan sa darating na halalan. Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, bukod sa bilang na bilang nila ang PCOS machines, may marka ang bawat balota na titiyak na di ito maaring gamitin sa pandaraya.
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Chairman Brillantes na "There will be doubts, there will be speculations, but there will be no cheating."
Pero ayon kay Edmundo "Toti" Casiño, Pangulo ng Philippine Computer Society at miyembro ng Automated Election System Watch o AES Watch, may posibilidad pa ring magkaroon ng dayaan sa halalan. Marami raw kahinaan ang PCOS machines na siyang dahilan kung bakit bagsak na grado ang ibinigay ng AES sa COMELEC.
"Fraud can happen. Mayroon pa ring posibilidad nito sa automated elections," ayon kay Casino.
Maari aniyang ang ballot image na lumalabas sa PCOS machine ay iba sa maipadadala sa Board of Canvassers dahil "naayos" na ang card kung saan nakalagak ang resulta ng botohan. Maari aniyang mapalitan ang cards bago o matapos ang botohan.
Alamin ang kahandaan ng COMELEC sa nalalapit na eleksyon sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular